Mga tip para sa pag-post ng media sa Maps

Ang mga larawan, video, at iba pang media na mataas ang kalidad ay nakakatulong sa mga tao sa buong mundo na makahanap ng nauugnay na impormasyon tungkol sa mga lugar. Posibleng maalis ang media na mababa ang kalidad; hindi maiaapela ang mga pag-aalis dahil sa kalidad.

Sundin ang mga tip para sa pag-post ng media na mataas ang kalidad sa Maps.

Content at mga format
  • Gamitin ang media na na-capture mo. I-upload ang media ng lugar na na-capture mo gamit ang isang camera. Iwasan ang mga screenshot, stock na larawan, GIF, collage, masyadong na-edit o minanipulang larawan, o koleksyon ng imahe na ginawa ng ibang mga party.
  • Gawin ang media sa lokasyon kung saan ka magpo-post. Ginagawa ang mga nauugnay na larawan at video sa lokasyon kung tungkol saan ka nagpo-post.
  • Mag-focus sa lokasyon. Ang lokasyon dapat ang pangunahing paksa ng content. Ang media kung saan hindi ang lugar ang pangunahing focus, tulad ng mga selfie na binibigyang-diin ang isang tao o grupo, ay hindi gaanong kapaki-pakinabang para sa mga taong nagpapasya kung saan pupunta.
Mga adjustment sa istilo
  • Panatilihing simple ang media. Posibleng maging kapaki-pakinabang ang kaunting adjustment sa istilo, tulad ng pagtatama sa pag-rotate o pag-aayos ng lighting. Para sa mga 360 na larawan, nakakatulong ang pag-blur ng mga mukha at plaka para maprotektahan ang privacy ng mga tao. Iwasan ang mga masyadong madilim o naka-rotate na larawan. Iwasan ang pagdaragdag ng mga element tulad ng mga border, text, o mga naka-collage na larawan.
  • Panatilihing totoo ang media. Ayos lang gumamit ng mga filter hangga't nagbibigay pa rin ang media ng malinaw at tumpak na paglalarawan ng lugar. Iwasan ang sobrang pag-filter.
  • Pinakamaganda ang mataas na resolution. Nakakatulong sa iba ang mga larawang mataas ang resolution para makita ang hitsura ng isang lugar. Iwasan ang malabo o hindi naka-focus na koleksyon ng imahe.
  • Pinakakapaki-pakinabang ang mga stable na video. Iwasan ang maalog, wala sa focus, o baluktot o sirang video.
Naka-superimpose na text o graphics
  • Tiyaking nauugnay ang naka-superimpose na content. Nauugnay dapat ang pampromosyong content sa lugar kung para saan naka-post ang media. Posibleng hindi makatulong ang ibang naka-superimpose na content sa mga taong gumagamit ng Maps.
  • Para sa mga 360 na larawan, limitahan ang naka-superimpose na content sa 25% sa itaas o ibaba ng pinagdugtong-dugtong na larawan. Kapag nagmaneho ka para mangolekta ng Street View, huwag gumamit ng anumang tatak ng Google sa nadir o zenith ng iyong mga 360 na larawan. Kasama rito ang anumang graphic sa rooftop na makikita ng camera.
  • Para sa ibang media, iwasang magsama ng nakaka-distract o hindi angkop na naka-superimpose na content.
Mga 360 na larawan
  • Magra-wrap nang 360º ang mga 360 na larawan nang walang anumang puwang sa koleksyon ng imahe ng horizon. Hindi kailangang mag-extend ang mga larawan mula itaas hanggang ibaba. Katanggap-tanggap bilang maliliit na error sa pagdurugtong ang maliliit na puwang o butas sa pagitan ng mga itaas at ibabang gilid.
  • Ang pinakamagandang resolution para sa mga 360 na larawan ay hindi bababa sa 4K (resolution na 3,840 pixels by 2,160 pixels o mas mataas).
  • Gumawa ng mga koneksyon sa pagitan ng mga kalapit na vantage point kapag nagkokonekta ng mga 360 na larawan. Kapag gumawa ng mga koneksyon sa ibang lugar, puwedeng malito ang mga taong nag-e-explore sa iyong mga nakakonektang 360 na larawan sa unang pagkakataon.
  • Posibleng baguhin ng Maps ang mga koneksyon para mapahusay ang pagtingin. Kapag maraming 360 na larawan ang na-publish sa isang lugar, posibleng awtomatikong mabuo ang mga koneksyon sa pagitan ng mga ito. Para matiyak ang makatotohanan at nakakonektang experience sa pagtingin, puwede kaming mag-adjust, mag-alis, o gumawa ng mga bagong koneksyon, at puwede naming i-adjust ang posisyon at oryentasyon ng iyong mga 360 na larawan.
  • Ilagay nang tumpak ang mga pin/dot kapag nagpa-publish ng maraming 360 na larawan sa isang lugar. Naka-distract sa iba ang paggamit ng proximity na pin/dot o ng nagreresultang asul na linya ng visualization sa mapa para magsulat o gumuhit sa mapa.
  • Kapag nagmaneho ka para mangolekta ng Street View. Ang puwede mo lang ipakita ay graphics mo at ng iyong sponsor, gaya ng brand o logo. Sa sasakyan, huwag ipakita ang anumang tatak ng Google, na kinabibilangan ng mga icon ng Street View at Google Maps.

Sumangguni sa mga alituntunin sa Ipinagbabawal at pinaghihigpitang content at patakaran ng Maps sa content na binuo ng user para sa mga pag-aalis batay sa mga paglabag sa patakaran.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
7926757037773825597
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false