Kung gumagamit ka ng Workspace, puwede mong bigyan ng pahintulot ang iba pang user sa domain mo na i-access at pamahalaan ang iyong mga contact. Madaragdagan at maa-update ng mga delegate na ito ang impormasyon ng iyong mga contact, gaya ng mga pangalan, numero ng telepono, at address.
Mas marami nang opsyon sa pamamahala ang iyong mga delegate para sa mga contact. Kung may mga delegate ka bago ang pinakabagong update, posibleng nawalan sila ng access kung hindi mo sila inaprubahan ulit. Gayunpaman, puwede mo silang imbitahan ulit anumang oras.
Mahalaga: Hindi nagbibigay ng access sa iyong email account ang pagkakaroon ng access sa iyong mga contact.
Mga Requirement
- Dapat i-on ng administrator ng iyong Directory ang pagbabahagi ng contact. Kung isa kang admin, alamin kung paano i-on o i-off ang pangkalahatang Directory.
- Puwede ka lang mag‑delegate ng mga contact sa mga taong nasa domain o org na kinabibilangan mo.
- Kailangang naka‑sign in ka at ang mga delegate mo sa account ninyo sa trabaho o paaralan.
- Kailangang computer, at hindi telepono o tablet, ang ginagamit mo at ng iyong mga delegate.
I‑delegate ang iyong mga contact
- Mag-navigate papunta sa Google Contacts.
- Siguraduhing naka-sign in ka sa iyong account sa trabaho o paaralan.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting
Access ng delegate.
- I‑click ang Mag‑imbita ng delegate.
- Ilagay ang pangalan o email address ng taong gusto mong bigyan ng pahintulot na pamahalaan ang iyong mga contact.
- Tip: Puwede kang maglagay ng hanggang 25 pangalan na pinaghihiwa-hiwalay ng mga kuwit.
- I-click ang Ipadala.
Puwede nang i-access ng mga taong inimbitahan mo ang iyong Mga Contact.
Tip: Hindi matitingnan at mae‑edit ng mga user ang mga naka-delegate na contact gamit ang app na Mga Contact sa mobile device.
Tungkol sa mga magagawa at hindi magagawa ng mga delegate
Magagawa ng mga delegate na:
- Maghanap ng personal na impormasyon mula sa iyong profile, anuman ang mga setting ng visibility para sa mga field ng profile na iyon. Kabilang dito ang iyong:
- Kasarian
- Kaarawan
- Mga email address
- Mga numero ng telepono
- Tip: Tingnan ang kumpletong listahan sa iyong Google Account.
- Magdagdag ng mga bagong contact gamit ang button na “Gumawa ng contact” o “Bagong contact.”
- Mag‑edit o mag‑delete ng mga contact sa listahan ng mga naka‑delegate na contact.
- Maghanap ng mga contact gamit ang search bar.
- I-undo ang mga pagbabago.
- Magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng mga label para sa mga contact sa listahan ng mga naka-delegate na contact.
- Pamahalaan ang Iba pang contact.
Hindi magagawa ng mga delegate na:
- Mag-import ng mga contact.
- Mag-export o magpasa ng mga contact.
- Maghanap at mag-merge ng mga duplicate.
- Baguhin ang mga setting o preference.
- Maghanap at mag-delete ng mga contact mula sa trash.
Pamahalaan ang mga contact na naka‑delegate sa iyo
Kung may tao sa organisasyon mo na magbibigay sa iyo ng access sa mga contact niya, puwede mong pamahalaan ang mga contact niya mula sa iyong account.
- Mag-navigate papunta sa Google Contacts.
- Siguraduhing naka-sign in ka sa iyong account sa trabaho o paaralan.
- Sa kaliwang menu, piliin ang pangalan ng taong nag‑delegate sa iyo ng mga contact niya.
- Puwede mo nang pamahalaan ang mga contact niya.
- Lalabas sa mga contact niya at hindi sa iyo ang mga contact na idaragdag o ie‑edit mo kapag pinamahalaan mo ang mga contact niya.
Puwede ka nang:
- Magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng mga contact niya.
- Maghanap sa mga contact niya gamit ang search bar.
- Kung maghahanap ka ng naka‑delegate na contact na may email o pangalang kapareho ng email o pangalan ng contact sa directory, ang contact sa directory ang lalabas sa resulta ng autocomplete.
- (Available simula Nobyembre 2023) Magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng mga label para sa mga contact niya.
- (Available simula Nobyembre 2023) Pamahalaan ang kanyang Iba pang contact.
Para magpalipat‑lipat sa mga taong nag‑delegate ng mga contact nila sa iyo, piliin ang pangalan ng nag‑delegate. Masusuri at mapapamahalaan mo lang ang mga contact ng taong pinili mo.
Maghanap ng mga contact na naka‑delegate sa iyo
Kung marami kang contact na nakalaan sa iyo, posibleng kailanganin mong maghanap sa listahan ng mga contact para mabilis na mahanap ang isang contact. Para maghanap ng mga naka‑delegate na contact:
- Mag-navigate papunta sa Google Contacts.
- Siguraduhing naka-sign in ka sa iyong account sa trabaho o paaralan.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu
Mga naka‑delegate na contact, at i-click ang pangalan ng taong nag‑delegate ng mga contact niya sa iyo.
- Sa box para sa paghahanap sa itaas, ilagay ang pangalan o email ng contact na gusto mong hanapin at pindutin ang Enter.
Tip: Kung may hahanapin kang naka-delegate na contact na may email o pangalang kapareho ng email o pangalan ng isang contact sa directory, ang contact sa directory ang ipapakita ng resulta ng autocomplete.
Mga kaugnay na resource
I-save ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan kapag nakipag-ugnayan ka sa mga tao