I-import ang iyong mga contact sa Google Contacts

Puwede mong i-import ang iyong mga contact sa Google Contacts mula sa iba pang source.

Mag-import mula sa nagawa nang CSV o vCard file

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Contacts.

  2. Sa kaliwa, i-click ang Mag-import at pagkatapos ay Pumili ng file.

    1. Kung hindi mo nakikita ang menu sa kaliwa, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu.
    2. Para sa mga CSV file, hanapin ang .csv file extension. Para sa mga vCard file, hanapin ang .vcf file extension.
  3. Piliin ang iyong file.
  4. I-click ang I-import.

Tip: Kung wala kang nakikitang detalye tungkol sa contact na na-import mo kapag natapos na ang pag-import, tingnan ang seksyon ng mga tala para sa contact na iyon.

Gumamit ng template na spreadsheet para gumawa ng CSV file na ii-import

Puwede kang gumamit ng template para matiyak na mai-import sa mga tamang field sa Google Contacts ang mga detalye ng iyong mga contact.

Hakbang 1: Punan ang template ng mga contact

Mahalaga: Huwag i-delete ang row ng header sa template. Nakakatulong ang mga heading na ito na tiyaking mase-save ang impormasyon ng iyong mga contact sa tamang lugar sa Google Contacts.

  1. Buksan ang sample na template.
  2. I-click ang Gumawa ng kopya.
    • Kung gusto mong i-download ang template sa ibang application, tulad ng Excel:
      1. I-click ang File at pagkatapos ay I-download.
      2. Piliin ang application kung saan mo ito gustong i-save.
      3. Buksan ang spreadsheet sa application na iyon.
        • Kung na-merge o na-format nang hindi tama sa binuksang file ang iyong mga cell, suriin ang mga channel para sa suporta ng application na iyon.
    • Kung hindi lalabas ang opsyong gumawa ng kopya, i-click ang menu Higit pa at pagkatapos ay Gumawa ng kopya.
      1. Kung walang opsyong “Make a copy,” piliin ang Share & export at pagkatapos ay Gumawa ng kopya.
  3. Punan ang spreadsheet ng mga detalye para sa lahat ng contact na gusto mong i-import.
    • Puwede mong punan ang mga column na gusto mong i-save sa Google Contacts at i-delete ang mga column na hindi mo ginagamit.
    • Gagawa ng isang bagong contact para sa bawat row na may anumang inilagay na data.
  4. I-click ang File at pagkatapos ay I-download at pagkatapos ay Mga Comma Separated Value (.csv).
  5. I-save ang iyong file.
    • Siguraduhing i-save ito kung saan madali mo itong maaalala, tulad ng iyong desktop.

Tip: Kung hindi ka pamilyar sa Google Sheets, matuto pa tungkol sa kung paano ito gamitin.

Hakbang 2: I-upload ang iyong file sa Google Contacts

  1. Buksan ang Google Contacts.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Mag-import I-download.
    • Kung hindi mo nakikita ang menu sa kaliwa, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu.
  3. I-click ang Pumili ng file at pagkatapos ay Piliin ang iyong bagong file ng mga contact.
  4. I-click ang I-import.
    • Kapag tapos na ang pag-import, bubuksan ng Google Contacts ang iyong mga bagong na-import na contact.
Maghanap ng mga paglalarawan para sa lahat ng header at field ng column ng template

Para matiyak na mai-import ang impormasyon ng iyong mga contact kung saan mo ito gustong mapunta, gamitin ang mga header mula sa template. Puwede kang matuto tungkol sa mga header ng template at kung paano fino-format ang mga field ng contact.

Pangalan ng header Paglalarawan ng field
Name Prefix Prefix para sa iyong contact. Halimbawa: “Dr” o “Prof.”
First Name Pangalan para sa iyong contact.
Middle Name Gitna o karagdagang pangalan para sa iyong contact.
Last Name Apelyido para sa iyong contact.
Name Suffix Suffix para sa iyong contact. Halimbawa: “Sr” o “Jr.”
Phonetic First Name Phonetic na pagbigkas para sa pangalan ng iyong contact.
Phonetic Middle Name Phonetic na pagbigkas para sa gitna o karagdagang pangalan ng iyong contact.
Phonetic Last Name Phonetic na pagbigkas para sa apelyido ng iyong contact.
Nickname Palayaw para sa iyong contact.
File as Pangalang gagamitin para isaayos ang iyong contact.

Mga field ng contact:

Pangalan ng header Paglalarawan ng field
Email <number> - Label Label ng email. Halimbawa: “Bahay” o “Trabaho.”
Email <number> - Value Email para sa iyong contact. Halimbawa: “contact@gmail.com.”
Phone <number> - Label Label ng numero ng telepono. Halimbawa: “Bahay” o “Trabaho.”
Phone <number> - Value Numero ng telepono para sa iyong contact. Gumamit ng “+” para magsaad ng country code. Halimbawa: "+1 234 567 8901." Opsyonal ang mga space, dash, at parenthesis.

Mga field ng address:

Pangalan ng header Paglalarawan ng field
Address <number> - Label Label ng address. Halimbawa: “Bahay” o “Trabaho.”
Address <number> - Country Ang bansa ng address.
Address <number> - Street Ang kalye ng address.
Address <number> - Extended Address Ang pangalawang kalye ng address kung mayroon nito.
Address <number> - City Ang lungsod ng address.
Address <number> - Region Ang estado, lalawigan, prefecture, at higit pa sa address.
Address <number> - Postal Code Ang postal code ng address.
Address <number> - PO Box Ang post office box ng address.

Mga field ng organisasyon:

Pangalan ng header Paglalarawan ng field
Organization Name Ang pangalan ng organisasyon ng contact, tulad ng kumpanya o paaralan.
Organization Title Ang tungkulin ng contact sa kanyang organisasyon.
Organization Department Ang departamento ng contact sa kanyang organisasyon.

Mga field ng event:

Pangalan ng header Paglalarawan ng field
Birthday Kaarawan para sa iyong contact. Puwedeng i-format bilang YYYY-MM-DD o --MM-DD kung walang taon.
Event <number> - Label Label ng event. Halimbawa: “Anibersaryo.”
Event <number> - Value Petsa para sa event ng contact na ito. Puwedeng i-format bilang YYYY-MM-DD o –MM-DD kung walang taon.

Iba pang field:

Pangalan ng header Paglalarawan ng field
Relation <number> - Label Label ng kaugnayan. Halimbawa: “Asawa” o “Pinsan.”
Relation <number> - Value Pangalan ng kaugnayan. Halimbawa: “Alice Jones” o “Bob.”
Website <number> - Label Label ng website. Halimbawa: “Profile” o “Blog.”
Website <number> - Value Address ng website.
Custom Field <number> - Label Label para sa custom na field. Kapaki-pakinabang kung gusto mong mag-save ng data ng contact na hindi kasya sa isa sa mga default na field na iniaalok sa itaas.
Custom Field <number> - Value Value para sa custom na field.
Notes Mga tala tungkol sa iyong contact. Puwedeng maglagay ng anumang text dito.
Labels Mga pangalan ng mga label kung saan bahagi ang contact na ito. Puwede kang maglagay ng maraming value rito na pinaghihiwalay ng ":::". Halimbawa,: "Mga Kaibigan sa Trabaho ::: Pamilya ::: Project11."

Tip: Kung may mga contact ka na may maraming email, numero ng telepono, at higit pa, puwede kang maglagay ng mga karagdagang column sa template para mailagay ang data na ito.

Mula sa Google Account

Hakbang 1: I-export ang mga kasalukuyang contact sa Google

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Contacts.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-export .
  3. Piliin kung aling mga contact ang ie-export.
  4. I-click ang Google CSV at pagkatapos ay I-export.
  5. I-save ang file sa lugar kung saan madali mo itong mahahanap.
  6. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mag-sign out.

Hakbang 2: I-import ang file

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Contacts.
  2. Mag-sign in gamit ang iyong ibang Gmail Account.
  3. Sa kaliwa, i-click ang Mag-import I-download at pagkatapos ay Pumili ng File.
  4. Piliin ang iyong file.
  5. I-click ang I-import.
Alamin kung paano ayusin ang mga problema sa pag-import

Puwede kang magkaproblema kapag:

  • Mag-i-import ka ng higit sa 3,000 contact nang sabay-sabay. Kung mayroon kang higit sa 3,000 contact, hatiin ang mga ito sa maraming CSV bago mo i-import ang mga ito.
  • Naabot mo na ang limitasyong 25,000 contact. Matuto tungkol sa mga limitasyon sa laki ng contact.
  • Hindi naka-format ang mga contact para gumana sa Google Contacts. Tiyaking i-save ang iyong mga contact bilang vCard o CSV file.
Computer Android
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5750488182481147186
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
107539
false
false
false
false
false