Magtakda ng iskedyul ng pagtulog

Para magkaroon ng pare-parehong iskedyul ng pagtulog at maghandang matulog, gamitin ang Clock app.

Magtakda ng oras ng pagtulog at oras ng paggising

Kapag nagtakda ka ng oras ng pagtulog at oras ng paggising, puwede mong suriin kung gaano kahaba ang maitutulog mo. Lalabas din sa tab na Alarm ang alarm na itinakda sa tab na Bedtime.

  1. Buksan ang Clock app Orasan
  2. I-tap ang Bedtime.
  3. Sa card na “Iskedyul,” i-tap ang oras sa ilalim ng Bedtime.
  4. Magtakda ng oras ng pagtulog at mga araw na gagamitin ang iyong routine sa oras ng pagtulog. 
  5. Piliin ang alinman sa mga sumusunod na opsyon: 
  6. I-tap ang oras sa ilalim ng Oras ng paggising.
  7. Magtakda ng oras ng paggising at mga araw na gagamitin ang iyong alarm sa oras ng paggising.
  8. Piliin ang alinman sa mga sumusunod na opsyon: 
    • Sunrise alarm: Dahan-dahang liwanagan ang iyong screen 15 minuto bago magsimula ang alarm mo. 
    • Tunog: Pumili ng tunog ng iyong alarm.
    • Mag-vibrate: I-on ang pag-vibrate para sa alarm.
    • Routine ng Google Assistant: Piliin kung ano ang gusto mong gawin ng Assistant pagkagising mo. Matuto pa tungkol sa mga routine.
Makinig sa mga mapayapang tunog
Puwede kang magpatugtog ng nakakapagpakalmang musika mula sa iba't ibang media app na makakatulong sa iyong makatulog. Magpe-play lang ang mga tunog na pampaantok kapag na-on mo ang mga ito.
  1. Buksan ang Clock app Orasan
  2. I-tap ang Bedtime.
  3. Sa “Mga tunog na pampaantok,” i-tap ang kasalukuyang tunog o Pumili ng ibang tunog.
  4. Piliin kung anong app ang gagamitin at kung aling tunog ang gusto mo. Puwede ka ring gumamit ng mga tunog sa iyong device. Alamin kung paano gumamit ng media mula sa ibang app.
Tingnan ang iyong kamakailang aktibidad sa oras ng pagtulog

Mahalaga: Para magamit ang feature na ito, dapat mong gamitin ang Digital Wellness app.

Puwede mong tingnan kung aling mga app ang ginagamit mo sa iyong nakaiskedyul na oras ng pagtulog at ang pagtatantya sa oras na ginugugol sa pagtulog. Nakabatay ang oras na ginugol sa pagtulog sa oras na hindi ginalaw sa madilim na kwarto ang iyong telepono. Para sa pinakamahuhusay na resulta, naka-on at nasa iyong kwarto dapat ang telepono mo sa nakaiskedyul na oras ng iyong pagtulog.

  • Para maipakita sa iyo ang aktibidad na ito: Ina-access ng Clock at Digital Wellness app ang iyong pang-araw-araw na paggamit ng app, paggalaw, at pag-detect ng ilaw sa nakaiskedyul na oras ng pagtulog mo at ang iyong history ng time zone.
  • Para makakita ng higit pang detalye tungkol sa isang partikular na araw: I-tap ang tagal ng oras na ipinapakita sa itaas ng graph, gaya ng 18 minuto. Makakakita ka rin ng mga icon ng app sa tabi ng oras na ginugol. Kung hindi mo ginamit ang iyong device sa nakaiskedyul na oras ng pagtulog mo, “Hindi ginamit ang telepono” ang lalabas dito.  
  • Walang data sa chart: Tiyaking na-on mo ang “Gamitin ang iskedyul ng oras ng pagtulog” at binigyan mo ng pahintulot ang Clock app na gamitin ang iyong data. Para pamahalaan ang mga pahintulot, sa card na “Kamakailang aktibidad sa oras ng pagtulog,” i-tap ang Menu Higit pa at pagkatapos ay Pamahalaan ang data.

Tingnan ang iyong data ng pag-ubo at paghilik sa mga Pixel phone

Mahalaga: Hindi idinisenyong gamitin para sa mga medikal na layunin ang Digital Wellness app. Idinisenyo ito para magbigay ng impormasyong makakatulong sa iyong makahanap ng balanse sa teknolohiya na mainam para sa iyo. Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa iyong kalusugan, makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan. Hindi ginagarantiya o pinapatunayan ng Google na magagamit ang feature na ito para magkamit ng mga partikular na resulta.

Tingnan ang iyong data mula sa Clock mo

  1. Buksan ang Clock ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Bedtime .

Tip: Kung ito ang unang pagkakataong gagamitin mo ang feature na Bedtime mode, sa “Ipakita ang aktibidad ng pag-ubo at paghilik,” i-tap ang Magpatuloy At pagkatapos Payagan.

Tip: Kapag na-tap mo ang Bedtime , puwede kang magpalipat-lipat sa pagitan ng Aktibidad sa oras ng pagtulog at Pag-ubo at paghilik.

Tingnan ang iyong data mula sa Digital Wellness

  1. Sa iyong telepono, i-tap ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls.
  3. Sa “Ipakita ang aktibidad ng pag-ubo at paghilik," i-tap ang Magpatuloy.

Tip: Sa susunod na bubuksan mo ang iyong Digital Wellness app, makikita mo ang iyong data ng pag-ubo at paghilik sa ilalim ng "Bedtime mode."

Hanapin ang iyong data

  1. Sa Home screen ng iyong telepono, i-tap ang Maghanap.
  2. Ilagay ang “ubo.”
  3. Para buksan ang Digital Wellness app, i-tap ang Pag-ubo at paghilik.

Burahin ang iyong data

Mahalaga: Para magamit ang feature na ito, dapat mong gamitin ang Digital Wellness app.

Para burahin ang iyong data ng paggamit sa device, data ng sensor sa oras ng pagtulog, at history ng time zone, alisin ang pahintulot na gamitin ang impormasyon:

  1. Buksan ang Clock app Orasan
  2. I-tap ang Bedtime.
  3. Sa tabi ng “Kamakailang aktibidad sa oras ng pagtulog,” i-tap ang Higit pa Higit pa.
  4. I-tap ang Pamahalaan ang data
  5. Piliin kung aling data ang gusto mong burahin sa pamamagitan ng pag-tap sa alinman sa mga sumusunod:
    • Data ng pang-araw-araw na paggamit sa device.
    • Data ng sensor sa oras ng pagtulog.
    • History ng time zone.
    • Clock: Puwede mong panatilihin ang pahintulot sa Digital Wellness app kapag inalis mo ang data sa Clock app.
Tingnan ang iyong mga nalalapit na event para bukas

Mahalaga: Hindi available ang feature na ito para sa mga kalendaryong may mga account sa trabaho o pampaaralang account.

Para itakda ang iyong alarm bago ang anumang event kinabukasan, gamitin ang kalendaryo sa ibaba ng tab na “Bedtime.” Puwede mong ikonekta ang card na “Mga susunod na event” sa iyong Google Calendar sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa kalendaryo mo kapag gumamit ka ng Bedtime mode. Lalabas din sa tab na “Bedtime” ang lahat ng kalendaryong tinitingnan mo sa Google Calendar.

Panatilihing madilim ang iyong screen sa oras ng pagtulog
Puwede mong pigilan na palaging naka-on ang iyong screen habang nasa bedtime mode ka.
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono. 
  2. I-tap ang Digital Wellness at parental controls at pagkatapos ay Bedtime mode at pagkatapos ay I-customize.
  3. I-on ang Panatilihing madilim ang screen.
Idagdag ang iyong lokal na pagtataya ng panahon sa isang alarm
Makikita mo ang impormasyon tungkol sa lagay ng panahon kapag tumunog na ang iyong alarm.
  1. Buksan ang Clock app ng iyong device Orasan.
  2. Para magdagdag ng alarm, sa ibaba, i-tap ang Magdagdag plus.
  3. Piliin ang Pagtataya ng panahon.
    • Kapag ihininto mo ang iyong alarm, lalabas ang pagtataya.

Tip: Tiyaking may access sa iyong lokasyon ang Clock app mo.

Mga kaugnay na artikulo

Pangunahing menu
13644845339710488628
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false