Hindi mahanap ang Chromecast sa Google Home app

Kung hindi mahanap ng iyong mobile device ang Chromecast mo habang nagse-set up, subukan ang mga sumusunod na solusyon.

Panimulang checklist

  1. Direktang nakakakonekta ang iyong mobile device sa network na ito mula sa kasalukuyan mong lokasyon.
  2. Malapit ka sa iyong Wi-Fi router.
  3. Mayroon kang malakas na signal ng Wi-Fi kung saan mo sinusubukang i-set up ang Chromecast.
  4. Kung gusto mong i-set up ang Chromecast sa 5 GHz na koneksyon sa Wi-Fi, sinusuportahan dapat ng iyong mobile device ang 5 GHz.
  5. Bino-broadcast ng Wi-Fi network mo ang pangalan nito (SSID) para makita ng lahat.
    1. Kung bino-broadcast ito, ililista ito sa iyong mga available na network sa device na ginagamit para mag-set up.
    2. Kung hindi ito nakalista, lumipat sa seksyon ng pag-troubleshoot sa ibaba para sa mga nakatagong network.

Pag-troubleshoot ng nakatagong network

Kung nagawa mo na ang lahat ng hakbang sa itaas at hindi pa rin nakalista ang Wi-Fi, subukan ang isa sa mga hakbang sa ibaba at pagkatapos ay tingnan kung nakalista ito. Kung hindi mo pa rin ito makita, pumunta sa Suriin ang iyong koneksyon sa internet.

Hakbang 1. Kumpirmahin kung nakatago ang pangalan ng network (SSID)

Tingnan kung nakalista ang network sa iba pang device na kasalukuyang hindi nakakonekta sa network.

Kung hindi, ibig sabihin, bino-broadcast ang SSID pero nakatago ito, at kakailanganin mong manual na ilagay ang SSID at password sa Google Home app habang nagse-set up.

  1. Sa screen ng pag-set up ng Wi-Fi, i-tap ang arrow na nasa kanan ng field ng pangalan ng network.
  2. Mag-scroll hanggang sa pinakaibaba at i-tap ang Iba pa.
  3. Idagdag ang Impormasyon ng Wi-Fi para sa wireless network.
    1. Ilagay ang pangalan ng Wi-Fi network.
    2. Ilagay ang impormasyong panseguridad mula sa isa sa mga sumusunod na opsyon. Kung wala ka ng impormasyong ito, kakailanganin mong mag-log in sa iyong router o makipag-ugnayan sa ISP mo para mahanap ang mga setting ng seguridad.
      1. Wala
      2. WEP
      3. WPA
      4. WPA2
    3. Ilagay ang password.
    4. I-tap ang Itakda ang Network.

Hakbang 2. I-reboot ang router

I-off ang router at pagkatapos ay i-on ito ulit.

Tandaan: Para ma-reboot ang karamihan ng mga router, kailangan mo lang bunutin ang mga ito sa saksakan at isaksak ulit ang mga ito pagkalipas ng ilang segundo.

Hakbang 3. I-reboot ang Chromecast

  1. Bunutin ang power cable sa Chromecast device.
  2. Iwan itong naka-unplug nang isang minuto.
  3. Isaksak ulit ang power cable.

Hakbang 4. Sapilitang isara, pagkatapos ay buksan ulit ang Google Home app

Isara nang tuluyan ang Google Home app at buksan ito ulit.

Hakbang 5. Kapag na-reboot na ang lahat ng device at naa-access mo na ang internet, subukang i-set up ang Chromecast

I-tap ang Pangalan ng Network para i-expand ang drop down na listahan ng mga available na pangalan ng network at piliin ang pangalan ng Wi-Fi mo.

Suriin ang iyong koneksyon sa internet

  1. Siguraduhing nasa loob ng 15-20 talampakan (4-6 na metro) ang layo ng Chromecast sa device na ginagamit para mag-set up.
  2. I-verify ang kulay ng LED light. Kung hindi nito nalutas ang isyu, magpatuloy sa susunod na hakbang.
    • Naka-on ang Chromecast kung may nagfa-flash na puting LED light.
    • Magbabago ang kulay ng LED light kapag naka-power cycle.
    • Pumunta sa LED light ng Chromecast para sa higit pang impormasyon tungkol sa status ng LED light.
  3. Tingnan kung may nakasaad sa TV na "I-set up ako." Kung hindi nito nalutas ang isyu, magpatuloy sa susunod na hakbang.
  4. Tingnan kung may ibang network na nakikita at nasa malapit, kasama ang Wi-Fi ng iyong bahay. Kung hindi nito nalutas ang isyu, magpatuloy sa susunod na hakbang.
  5. Suriin kung nakakonekta sa Internet ang iyong device. Kung hindi nito nalutas ang isyu, magpatuloy sa susunod na hakbang.
  6. [Mga Android device lang] Kung gumagamit ka ng Android device na gumagamit ng Android Marshmallow, siguraduhing naka-on ang “Gamitin ang lokasyon.”​
  7. [iPhone/iPad lang] Kung gumagamit ka ng iPhone o iPad, siguraduhing NAKA-ON ang Bluetooth.

Mga pangkalahatang hakbang sa pag-troubleshoot

  1. I-off at i-on ang Wi-Fi sa device sa pag-set up, pagkatapos ay buksan ulit ang Google Home app.
  2. I-uninstall, pagkatapos ay i-install ulit ang Google Home app.
  3. I-on ang Local Network Access para sa mga iOS device
    1. Pumunta sa Settings ng iyong iOS device.
    2. I-tap ang Bluetooth at pagkatapos ay i-on ang Bluetooth.
    3. Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-tap ang Google Home Home.
    4. I-on ang Local Network.
  4. Gumamit ng ibang device (telepono o tablet) para sa pag-set up.
  5. Manual na kumonekta sa service set identifier (SSID) ng iyong Chromecast.
    1. Buksan ang app na Settings ng iyong telepono
    2. I-tap ang Wi-Fi at pagkatapos ay kumonekta sa SSID ng Chromecast.
    3. Buksan ang Google Home Home.
    4. I-set up ulit ang iyong device.
  6. I-disable ang Access Point (AP) isolation.

Magsagawa ng pag-factory reset

Puwede kang mag-factory reset sa iyong Chromecast gamit ang isa sa 2 paraang nakalista sa ibaba.

Mahalaga: Kapag ginawa ang pagkilos na ito, maki-clear ang iyong data at hindi na ito maa-undo.

 Chromecast na may Google TV

Gamit ang Chromecast Voice Remote

  1. Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong TV screen, piliin ang profile mo at pagkatapos ay Mga Setting .
  2. Piliin ang System at pagkatapos ay Tungkol Dito at pagkatapos ay I-factory Reset.

Mula sa Chromecast device

  1. Habang nakakabit sa TV at nakabukas ang Chromecast, pindutin nang matagal ang button sa likod ng Chromecast. Dapat mag-blink nang dilaw ang LED. 
  2. Kapag naging solid na puti ang LED light, bitawan ang button, at pagkatapos ay magre-reset ang Chromecast.
 Chromecast (2nd gen), Chromecast (3rd gen), o Chromecast Ultra

Mula sa Google Home app

Tandaan: Available lang ang opsyong ito kung may access ka pa rin sa network kung saan na-set up ang iyong Chromecast.

  1. Buksan ang Google Home appGoogle Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang mga Setting  at pagkatapos ay Higit pa More menu at pagkatapos ay I-factory reset at pagkatapos ay I-factory reset.

Mula sa Chromecast device

Habang nakakabit ang Chromecast sa TV, pindutin nang matagal ang button sa gilid ng Chromecast. Magsisimulang mag-blink nang orange ang LED. Kapag naging puti ang LED light, bitiwan ang button at magre-restart na ang Chromecast.

Chromecast (1st Gen) Chromecast (1st gen)

Mula sa Google Home app

Tandaan: Available lang ang opsyong ito kung may access ka pa rin sa network kung saan na-set up ang iyong Chromecast.

  1. Buksan ang Google Home appGoogle Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang mga Setting  at pagkatapos ay Higit pa More menu at pagkatapos ay I-factory reset at pagkatapos ay I-factory reset.

Mula sa Chromecast device

  1. Habang nakakabit ang Chromecast sa TV, pindutin ang button sa Chromecast device nang kahit 25 segundo o hanggang sa maging pula ang solid na LED na ilaw.
  2. Kapag naging patay-sindi na puti ang LED light, at namatay ang screen ng TV, bitawan ang button. Magre-restart ang device.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2779789368519836643
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false