Mga notification ng control sa media ng Cast

Direktang kontrolin ang media na nagpe-play sa iyong Chromecast (Chromecast, Chromecast Ultra, Chromecast Audio, mga TV at speaker na may Chromecast built-in) at mga Google Nest o Home speaker at display mula sa mga notification ng control sa media ng Cast sa mga Android device.
 
Para makakuha ng mga notification ng control sa media ng Cast, nili-link ang iyong mobile device o tablet sa account kung saan naka-link ang Chromecast, speaker, o display mo. Makakatanggap ka rin ng notification para sa lahat ng Chromecast at speaker o display na nasa Wi-Fi network ding ito.
 
Tandaan: Hindi ka makakatanggap ng mga notification kapag nagka-cast ka ng content sa YouTube o YouTube Music mula sa iyong telepono. 
 

Mga sinusuportahang mobile device

Available ang mga notification ng control sa media ng Cast sa mga Android device na gumagamit ng Android 6.0 o mas bago. Hindi available ang mga ito sa mga iOS device.

Mga sinusuportahang Cast device

Makakatanggap ka ng mga notification ng control sa media ng Cast kapag nag-play ka ng media gamit ang mga Chromecast, Chromecast Ultra, Chromecast Audio, Google Nest, o Home device, at mga TV at speaker na may Chromecast built-in.

Ang ipinapakita sa mga notification ng control sa media ng Cast

  • Pangalan ng device kung saan nagka-cast ka o ang isang taong nakakonekta sa parehong Wi-Fi network.
  • Provider ng content.
  • Mga control sa media (I-pause Pause, I-mute Mute, Ihinto Stop, at Mga Setting Settings).

Puwede mong i-off ang mga notification ng control sa media ng Cast sa Mga Setting Settings.

Cast notifications

Pansamantalang i-dismiss ang mga notification ng control sa media ng Cast

Para pansamantalang i-dismiss ang paglabas ng notification ng control sa media ng Cast sa kasalukuyang session ng pag-cast, i-swipe lang ito sa iyong telepono.

Tandaan: Lalabas ulit ang notification kung magsisimula kang mag-cast ng content mula sa ibang app na may naka-enable na Chromecast.

I-off ang mga notification ng control sa media ng Cast para sa iyong device

Para pigilang makontrol ng ibang nasa Wi-Fi network mo ang iyong pag-cast ng media, puwede mong i-off ang mga notification ng control sa media ng Cast sa iyong Chromecast o sa speaker o display mo.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Pagkilala at pagbabahagi.
  3. I-off ang Payagan ang iba na kontrolin ang iyong media ng cast.

I-off ang mga notification ng control sa media ng Cast sa iyong telepono

Para permanenteng i-off ang mga notification ng control sa media ng Cast para hindi na ito lumabas sa iyong telepono, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

Opsyon 1:

  1. Sa notification, i-tap ang, i-tap ang Mga Setting Settings.
  2. I-off ang Ipakita ang mga notification ng remote control  Off.

Opsyon 2: 

  1. Sa iyong telepono, i-tap ang Mga Setting Settings

  2. I-tap ang Google at pagkatapos ay Mga device at pagbabahagi at pagkatapos ay Mga opsyon ng Cast at pagkatapos ay I-off Mga control sa media para sa mga Cast device.

Para i-on ulit ang mga notification, i-on ang Mga control sa media para sa mga Cast device.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3816876786001090548
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false