Gamitin ang Nearby para maghanap ng mga Chromecast device

Para matiyak na wala kang mapapalampas na sandali sa pag-cast ng paborito mong content, aabisuhan ka namin kapag may malapit na Chromecast device na handang ma-set up.

Mga Kinakailangan

  • Available lang ang functionality na ito sa mga Android device. Hindi ito available sa mga iOS device.  
  • Dapat ay Android 9.0 o mas bago ang isang Android device.
  • Available ang functionality na ito sa mga Chromecast, Chromecast Ultra, at Chromecast Audio device. Hindi ito available sa mga Chromecast (1st gen) device. 

Gamitin ang Nearby para maghanap ng mga Chromecast device

  1. I-on ang Mga Serbisyo ng Lokasyon sa iyong Android device. Kinakailangan ito para makatuklas ang iyong Android device ng mga malapit na Chromecast device. 
  2. I-on ang mga notification para sa Google Home app. Pumunta sa Mga Setting ng iyong deviceat pagkatapos ay Setting ng Notification at pagkatapos ay I-enable.
    Tandaan: Posibleng iba't iba ang mga hakbang na ito sa bawat device. 
  3. I-on ang iyong Chromecast device.
  4. I-on ang Bluetooth sa iyong Android device.
  5. Kung may malapit na Chromecast device na hindi pa nase-set up, may makikita kang pop up ng notification ng pag-set up ng Chromecast sa iyong Android device. 
  6. Para simulang i-set up ang iyong Chromecast device, i-tap ang Mag-set up ng malapit na Chromecast device.
  7. Tandaan: Kung na-download mo na ang Google Home app sa iyong Android device, bubukas ang Google Home app . I-tap ang Mag-set up 1 device at pagkatapos ay sundin ang mga prompt para i-set up ang iyong device.
  8. Kung hindi mo pa nada-download ang Google Home app sa iyong Android device, bubukas ang Play Store app  at puwede mong i-download ang Google Home app. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2512686456067858293
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false