Magbahagi ng feedback tungkol sa mga Chromecast device at sa Google Home app

Palagi naming pinagtutuunan ng pansin ang pagpapahusay sa Chromecast at mga Chromecast Audio device, TV at speaker na may Chromecast built-in, at Google Home app. Napakahalaga para sa amin ng iyong feedback.

Mula sa Google Home app

Hakbang 1. I-on ang mga ulat sa device

  1. Tiyaking ang telepono o tablet mo ay nakakonekta sa Wi-Fi o naka-link sa account kung saan nakakonekta o naka-link ang iyong speaker, display, Chromecast, o Pixel Tablet.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting Pagkilala at pag-share.
  5. I-on ang Ipadala sa Google ang mga ulat ng paggamit at pag-crash ng [device model] device (halimbawa, Ipadala sa Google ang mga ulat ng paggamit at pag-crash ng Google Home).

Hakbang 2. Ibahagi ang iyong feedback

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang larawan sa profile ng iyong Google Account o unang inisyal ng pangalan mo.
  3. I-tap ang Feedback at pagkatapos ay ang uri ng device na gusto mong bigyan ng feedback.
  4. I-tap ang Magsimula.
  5. Sa field na nakalaan, ilagay ang mga detalye ng iyong feedback. Tiyaking huwag magsama ng sensitibong impormasyon.
  6. I-tap ang Ipadala .
  7. Puwede kang mag-highlight o magtago ng impormasyon kung kailangan. Puwede mo ring alisin ang screenshot, o i-tap ang Mag-attach ng screenshot kung hindi mo sinasadyang naalis ito.
  8. I-tap ang Magpatuloy.
  9. Piliin ang Oo o Hindi kapag na-prompt ka tungkol sa pagtanggap ng impormasyon sa email o mga update tungkol sa iyong feedback.

Mula sa iyong Chromecast TV

Mula sa Mga Setting

Para direktang magpadala ng feedback mula sa iyong Chromecast na may Google TV, gamitin ang remote mo para buksan ang Mga Setting Tulong at Feedback Magpadala ng feedback sa Google. Magbubukas ito ng dialog box kung saan puwede mong isulat o sabihin ang iyong feedback.

Gamit ang iyong boses

Sa iyong remote, pindutin nang matagal ang button ng Google Assistant , pagkatapos ay sabihin ang "Magpadala ng feedback." Kapag sumagot ang Google Assistant, sabihin ang iyong feedback at sundin ang tagubilin sa screen para ipadala ito.

Iba pang produkto

Ganito magbahagi ng feedback tungkol sa Google Nest

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16218253996837666376
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false