Ambient Mode para sa Chromecast at Chromecast Ultra

Kapag hindi ginagamit ang iyong Chromecast o Chromecast Ultra, puwede ka nitong libangin nang tahimik gamit ang screensaver na tinatawag na Ambient Mode. Kailangang naka-sign in ka sa iyong Google Account para i-set up at i-configure ang Ambient Mode.

Mga Tala:

  • Nagbibigay-daan ang Ambient Mode sa Chromecast na i-access ang lokal na oras at lagay ng panahon na nauugnay sa lokasyon ng iyong device, pati ang mga larawan at naka-personalize na content na nauugnay sa Google Account mo.
  • Maaalis ang lahat ng kagustuhan sa Ambient Mode na nauugnay sa iyong Chromecast device kapag nagsagawa ka ng factory reset sa device.
  • 1080p ang maximum na resolution ng Ambient Mode sa mga Chromecast Ultra device.
  • Maa-access at mapapamahalaan mo lang ang mga kagustuhan sa Ambient Mode sa Chromecast o Chromecast Ultra mula sa Google Home app Google Home app.
  • Kung mayroon kang Chromecast na may Google TV, puwede mong baguhin ang mga setting ng Ambient Mode sa screen ng iyong TV.

Mga setting ng Ambient Mode

Para isaayos ang iyong mga setting ng Ambient Mode:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  4. Mag-scroll pababa i-tap ang Ambient Mode.

Google Photos

Sa Google Photos, matitingnan mo ang mga larawang pinakamahalaga sa iyo sa TV mo gamit ang Chromecast. Kailangan mo ng Google Photos account para ma-enjoy ang iyong mga personal na larawan. Alamin kung paano magsimula sa Google Photos account.

Tandaan: Para sa higit pang tulong, i-explore ang Help Center ng Google Photos.

Magdagdag o mag-alis ng mga album

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  4. Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-tap ang Ambient Mode Google Photos.

Tandaan: Hindi nagpapakita ang Ambient Mode ng mga naka-archive na larawan, kahit nasa piniling album ang mga ito.

Gumawa ng album na Mga Kapamilya at Kaibigan

Tandaan: Hindi available ang feature na ito sa Europe, Illinois, o Texas.

Kung na-enable mo ang mga grupo ng mukha at na-install mo ang Google Photos app sa iyong telepono, puwede kang gumawa ng awtomatikong nag-a-update na album na naglalaman ng kung ano ang sa tingin ng Google Photos ay ang pinakamagagandang larawan ng mga taong pinakamahalaga sa iyo.

  • Mula sa picker ng album, i-tap ang Piliin ang Mga Kapamilya at Kaibigan.
  • Piliin ang mga mukha ng mga taong gusto mo ang larawan.
  • Para kumpirmahin ang paggawa ng album, i-tap ang I-on.

May lalabas na album na "Mga Kapamilya at Kaibigan" sa picker ng album nang may mga napili nang larawan para sa iyo. Awtomatikong maa-update ang album na ito para magdagdag ng mga bagong larawan ng mga taong pinili mo sa tuwing magdaragdag ng mga ito sa iyong koleksyon sa Google Photos.

Pumili ng Mga Kamakailang Highlight

Magagawa ng Google Photos na awtomatikong piliin ang sa tingin nito ay pinakamagagandang kamakailang larawan mo at ipakita ang mga ito sa iyong Chromecast. Para i-enable ito, piliin ang album na "Mga kamakailang highlight." Ipapakita lang ang opsyong ito kung mayroon kang mga kamakailang larawang may mataas na kalidad sa iyong koleksyon.

Pumili ng Mga Paborito

Kung nagmarka ka ng 4 na larawan o higit pa sa iyong koleksyon bilang Mga Paborito, lalabas din ang opsyong ito sa screen sa pagpili ng album. Kung pipiliin mo ito, lalabas sa iyong Chromecast ang lahat ng larawang minarkahan mo bilang Mga Paborito.

Pumili ng kasalukuyang pribado o nakabahaging album

Puwede ka ring pumili ng mga pribado at nakabahaging album Ipinapakita lang ang mga nakabahaging album kung may pangalan ang mga ito.

Pag-curate ng larawan

Awtomatikong sinusubukan ng Google Photos na piliin ang sa palagay nito ay pinakamagagandang larawan mula sa iyong Mga Live Album at Kamakailang Highlight. Mula sa iyong mga kasalukuyang pribado at nakabahaging album, sinusubukan ng Google Photos na alisin ang mga larawang hindi maganda (malabo, madilim, mababa ang resolution, may halos kapareho) pero hindi nito iku-curate ang mga content ng iyong mga album. Puwede mong tuluyang i-off ang pag-curate para sa mga pribado at nakabahaging album sa pamamagitan ng pagbago sa setting na "Personal na pag-curate ng larawan" at pagtatakda nito sa "Mga live album lang." Walang isinasagawang pag-curate sa iyong Mga Paborito.

Tandaan: Kung hindi lumalabas ang mga larawan sa iyong mga pribado at nakabahaging album kahit inaasahan mong lumabas ang mga ito, i-off ang pag-curate para sa mga album na iyon sa pamamagitan ng pagbago sa setting na "Personal na pag-curate ng larawan" at pagtatakda nito sa "Mga live album lang."

Itago ang personal na data ng larawan

Bilang default, magpapakita ang iyong mga larawan ng impormasyon gaya ng pangalan ng album, petsa ng larawan, lokasyon ng larawan, at higit pa. Kung ayaw mong ipakita ng iyong mga device ang impormasyong ito, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Photo Frame.
  4. I-tap ang Google Photos, pagkatapos ay mag-scroll sa "Personal na data ng larawan."
  5. Itakda ang "Personal na data ng larawan" sa Itago.

Iba pang feature

Art gallery at Pang-eksperimento
Kapag pinili mo ang Art gallery, puwede kang magpakita ng mga larawan sa Ambient Mode mula sa mga source sa internet, gaya ng Google Earth. Puwede mo ring piliin ang Pang-eksperimento para sumubok ng higit pang source ng larawan at feature.
Lagay ng Panahon
Pumili ng opsyon sa ilalim ng "Lagay ng Panahon" para ipakita o itago ng impormasyon ng lagay ng panahon sa Ambient Mode. Mapipili mong ipakita ang Celsius (°C) o Fahrenheit (°F) na scale ng temperatura, ipakita ang dalawang scale, o itago ang temperatura. Nakabatay ang impormasyon ng lagay ng panahon sa itinakda mong address ng tahanan sa Google Home app. Kung wala kang nakatakdang address, ibabatay ang lagay ng panahon sa iyong IP address, at posibleng maiba ito para sa iba't ibang device sa bahay mo.
Oras
Pumili ng opsyon para ipakita o itago ang oras sa Ambient Mode.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11026802972502538218
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false