Google Assistant sa Chromecast Voice Remote

Puwede kang gumamit ng mga command gamit ang boses sa iyong Chromecast Voice Remote para maghanap at mag-play ng entertainment sa naka-link mong TV, kumuha ng impormasyon, kumontrol ng mga smart device na naka-link sa Google Home app, at higit pa.

Makipag-usap sa Google gamit ang iyong Chromecast Voice Remote

Tandaan: Kapag ginagamit mo ang Chromecast Voice Remote, hindi mo na kailangang sabihin ang "Hey Google" bago ka makipag-usap sa Google Assistant.

  1. Sa remote, pindutin nang matagal ang button ng Google Assistant Assistant para buksan ang mikropono.
  2. Magtanong o magsabi ng command.

Payagan ang Google Assistant na maghanap sa iyong mga app

Puwede kang gumamit ng mga command gamit ang boses para maghanap sa iyong mga app.

  1. Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong TV, piliin ang profile mo at pagkatapos ay Mga Setting .
  2. Piliin ang Privacy at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Mga nahahanap na app.
  3. Piliin ang mga app na gusto mong hanapin gamit ang iyong voice.

I-on ang Voice Match

Nagbibigay ang Voice Match ng proactive na karanasang iniangkop sa bawat user. Kapag nakilala ng Google Assistant ang boses mo, magagawa nitong proactive na ipakita sa iyo ang naka-personalize mong content.

Puwede mong isama ang iyong Chromecast voice remote kapag na-on mo ang Voice Match para sa iyong bahay. Para i-on ang Voice Match para lang sa iyong Chromecast voice remote, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Home  at pagkatapos ay Mga Setting  at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Voice Match at pagkatapos ay Iba pang device.
  3. I-tap ang iyong bahay at pagkatapos ay ang kahon sa tabi ng pangalan ng Chromecast mo at pagkatapos ay sundin ang mga hakbang sa app.

I-on ang mga personal na resulta

Kung io-on mo ang mga personal na resulta, makakasagot ang Google Assistant sa iyong mga personal na tanong at command. Halimbawa, puwede nitong ipakita sa iyo ang Google Photos mo o ang mga appointment sa iyong kalendaryo.

Tandaan: Kailangan mong i-on ang Voice Match para gumana ang mga personal na resulta.

  1. Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong TV, piliin ang profile mo at pagkatapos ay Mga Setting .
  2. Piliin ang Mga Account at Pag-sign In at pagkatapos ay iyong account at pagkatapos ay Google Assistant Assistant.
  3. Piliin ang Mga personal na resulta at pagkatapos ay ilagay ang iyong pin sa Google.
    1. Kung hindi ka gumawa ng pin, hihilingin sa iyo na ilagay ang password ng account mo at gumawa ng pin.

Ano ang puwede mong ipagawa o itanong sa Google Assistant

Mag-play ng palabas sa TV o pelikula

Narito ang ilang command gamit ang boses na magagamit mo para manood ng TV:

Para gawin ito:

Pindutin ang button ng Google Assistant button at sabihin ang:

Buksan ang Netflix

"Open Netflix (Buksan ang Netflix)"

Mag-play ng TV series, palabas sa TV, o pelikula

Tandaan: Para sa TV series, karaniwang nagsisimula ang bawat session kung saan natapos ang nakaraang session. Para sa The CW, nagsisimula ang bawat session sa pinakabagong ipinalabas na episode.

Kasalukuyang hindi sinusuportahan ang paghiling ng mga partikular na episode o season ng TV series. 

“Play The Umbrella Academy (I-play ang The Umbrella Academy)"

“Play The Umbrella Academy from [service provider] (I-play ang The Umbrella Academy sa [service provider])"

Mag-pause, magpatuloy, o huminto

Tandaan: Sa ilang app lang available ang mga command gamit ang boses na ito.

“Pause (I-pause)”

“Resume (Ipagpatuloy)”

“Stop (Ihinto)”

Lumaktaw pabalik

Tandaan: Sa US at sa ilang app lang available ang mga command gamit ang boses na ito.

“Go back [oras] (Bumalik sa [oras])"

“Rewind [oras] (Mag-rewind sa [oras])"

Iba pang puwedeng ipagawa o itanong sa Google Assistant

Narito ang ilan pang puwede mong ipagawa o itanong sa Google Assistant:

  • What can you do? (Ano ang puwede mong gawin?)
  • What's the weather tomorrow? (Ano ang lagay ng panahon bukas?)
  • How far away is the moon? (Gaano kalayo ang buwan?)

Kung na-on mo ang mga personal na resulta, puwede ka ring humingi ng naka-personalize na tulong sa Google Assistant:

  • What's on my agenda today? (Ano ang kailangan kong gawin ngayong araw?)
  • Show me my photos from Hawaii (Ipakita ang mga larawan ko mula sa Hawaii).
  • How's traffic to work? (Ano ang lagay ng trapiko papunta sa trabaho?)

Kontrol sa smart device gamit ang Google Assistant

Makokontrol ng Google Assistant ang anumang smart device na naka-link sa bahay kung nasaan ang Chromecast mo sa Google Home app.

Narito ang ilang command gamit ang boses na puwede mong subukan:

Para gawin ito:

Pindutin ang button ng Assistant at sabihing:

Adjust the lights

“Dim the lights (I-dim ang mga ilaw)"

Baguhin ang temperatura ng thermostat

“Set temperature to 72 (Gawing 72 ang temperatura)”

Mag-stream ng security camera

“Show me the front door (Ipakita sa akin ang pinto sa harap)”

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13228448614133676774
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false