Ano'ng puwede mong hilingin sa Google Assistant sa iyong Chromebook

Puwede kang humingi sa iyong Google Assistant ng impormasyon at tulong sa mga pang-araw-araw na gawain sa Chromebook mo.

Magsimula ng pag-uusap

  • Keyboard ng Chromebook: Pindutin ang Key sa paghahanap + a. O pindutin ang Launcher  + a. Pagkatapos ay mag-type ng tanong. Puwede mong laktawan ang pagsusulat ng “Hey Google.”

  • Touchscreen: Pindutin nang matagal ang Launcher .

  • Voice: Sabihin ang “Ok Google" o "Hey Google." Alamin kung paano gamitin ang Google Assistant gamit ang iyong boses.

Mga halimbawa ng kung ano ang itatanong

Kapag nagsabi ka ng command o nagtanong, gaya ng mga nasa ibaba, matutulungan ka ng Assistant mo:

Maging pamilyar sa iyong device

Mag-access ng mga dokumento

  • Gumawa ng dokumento.” Puwede mo ring sabihin ang “presentation” o “spreadsheet.”
  • “Buksan ang Vacation [pangalan ng file] spreadsheet [uri ng file] ko.”

Ayusin ang mga setting

  • “Gawing 60% ang volume.”
  • “Bawasan ang liwanag.”

Tumapos ng mga gawain

  • “Magpadala ng email.”
  • “Kumuha ng screenshot.”

Mag-on o mag-off ng mga feature

  • “I-on ang Wi-Fi.”
  • “I-off ang Bluetooth.”
  • “I-on ang Night Light mode.”

Planuhin ang iyong araw

Mga Event

  • “Ano'ng susunod sa aking kalendaryo?”
  • “Magdagdag ng event.”

Mga Flight

  • “Nasa oras ba ang United flight 1463?”

Mga Paalala

  • “Ipaalala sa akin na tawagan si Mama sa Linggo.”
  • “Kailan ang susunod kong paalala?”

Mga Timer

  • “Magtakda ng 10 minutong timer para sa pizza.”
  • “I-off ang timer.”

Trapiko

  • “Kumusta ang trapiko papuntang trabaho?”

Magtala

Mga Listahan

  • “Gumawa ng listahan ng bibilhin sa [pangalan ng tindahan].”
  • “Magdagdag ng gatas sa listahan ng bibilhin ko.”

Mga Tala

  • “Magtala.”
  • “Magbago ng tala.”

Kumuha ng mga larawan at maghanap ng media

Kumuha ng mga larawan at video

Mga Larawan

  • “Ipakita ang mga larawan ko sa beach.”

Musika

  • “Mag-play ng Jazz sa Spotify.”
  • “Makinig kay Lady Gaga sa YouTube Music.”
  • “Mag-play ng white noise.”

Video

  • “Mag-play ng nakakatawang video sa YouTube.”

Mga Kontrol

  • “I-pause”
  • “Ihinto”
  • “Susunod”
  • “Ituloy” o “Ituloy ang pag-play”

Maghanap ng lokal na impormasyon

Mga oras ng negosyo

  • “Anong oras nagbubukas ang Starbucks?”

Pagkain

  • “Maghanap ng mga vegetarian na restaurant sa malapit.”

Panahon

  • “Ano'ng lagay ng panahon ngayon?”

Magtanong sa Google

Mga Kalkulasyon

  • “Ano'ng 20% ng 80?”

Diksyunaryo

  • “Ano'ng ibig sabihin ng ‘gregarious’?”

Mga update sa laro

  • “Kailan ang susunod na laro ng PBA?”

Maghanap

  • “Maghanap ng mga ideya para sa bakasyon sa summer.”

Mga Pagsasalin

  • “Paano ko sasabihin ang ‘Kumusta ka’ sa French?”

Sagot mula sa web

  • “Paano alisin ang mantsa ng wine sa basahan?”

Mag-enjoy

Maging pamilyar sa iyong Assistant

  • “Nananaginip ka ba?”
  • “Ano'ng paborito mong kulay?”

Libangan

  • “Pahingi ng joke.”
  • “Magsabi ka sa'kin ng interesting na bagay”

Tip: Para makakuha ng higit pang ideya, tanungin ang "Ano'ng kaya mong gawin?"

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9144581158785265881
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false