Gumamit ng mga galaw o button para mag-navigate sa tablet mode

Magagamit mo ang mga galaw para magpalipat-lipat sa mga app at magamit ang iyong Chromebook sa tablet mode. Alamin kung paano magpalit mula sa laptop mode papuntang tablet mode.

Mag-navigate gamit ang mga galaw

Para sa lahat ng galaw, gumamit ng iisang paggalaw, hindi nagbabagong bilis, at parehong diin ng daliri.

Pumunta sa iyong Home screen.

Mula sa ibaba, mag-swipe pataas nang mahaba. 

Tingnan kung paano pumunta sa Home
Mag-swipe pataas nang mahaba para bumalik sa home

Ipakita ang iyong mga naka-pin na app

Mula sa ibaba, mag-swipe pataas nang maikli.

Tingnan kung paano ipakita ang iyong mga naka-pin na app
Mag-swipe pataas nang maikli para makita ang mga naka-pin na app

Tingnan lahat ng bukas na window ng app

Mula sa ibaba, mag-swipe pataas at mag-hold.

Tingnan kung paano tingnan lahat ng bukas na window ng app
Mag-swipe pataas at i-hold para tingnan ang mga nakabukas na window ng app

Hatiin ang iyong screen 

Mula sa Overview, mag-hold at mag-drag ng window sa isang gilid. 
Tingnan kung paano hatiin ang iyong screen
I-hold at i-drag ang window sa isang gilid para hatiin ang screen

Bumalik sa nakaraang screen

Mag-swipe mula sa kaliwang bahagi.

Tingnan kung paano bumalik sa nakaraang screen
Mag-swipe mula sa kaliwa nang maikli para bumalik

Mag-navigate gamit ang mga button

Magagamit mo ang mga button sa halip na mga galaw para tingnan ang mga bukas mong window ng app, magpalipat-lipat sa mga app, o pumunta sa iyong Home screen.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras. O kaya, pindutin ang Alt + Shift + s.
  2. Piliin ang Mga Setting  at pagkatapos ay Accessibility
  3. Sa ilalim ng "Mouse at touchpad," i-on ang Ipakita ang mga button ng navigation.
  4. Sa ibaba, lalabas ang mga button.
    • Para bumalik sa nakaraang screen, sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang Bumalik .
    • Para pumunta sa iyong Home screen, sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang Launcher . O kaya, pindutin ang Alt + Shift + L.
    • Para makita ang lahat ng bukas mong window ng app, sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang Ipakita ang mga window .

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17441052929573334658
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false