Awtomatikong mag-click ng mga bagay sa iyong Chromebook

Puwede mong itakda ang cursor na awtomatikong magsagawa ng pagkilos kapag huminto sa paggalaw ang cursor sa loob ng partikular na tagal ng oras. Puwedeng makatulong ang feature na ito sa mga user na may mga kapansanan sa paggalaw.

I-on ang mga awtomatikong pag-click

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras. O kaya, sa iyong keyboard, pindutin ang Alt + Shift + s.
  2. Piliin ang Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. Sa ilalim ng “Mouse at touchpad,” i-on ang Awtomatikong mag-click kapag huminto ang cursor ng mouse.
  4. (Opsyonal) I-customize ang iyong mga setting ng awtomatikong pag-click:
    • Pag-antala bago mag-click: Piliin kung gaano katagal magpo-pause ang iyong Chromebook bago ito awtomatikong mag-click.
    • I-stabilize ang lokasyon ng pag-click: Panatilihin ang iyong ring sa isang lugar hanggang gumalaw ang cursor mo sa labas nito.
    • Bumalik sa pag-left click pagkatapos ng pagkilos: Awtomatikong bumalik sa pag-left click pagkatapos ng iba pang pagkilos, gaya ng pag-right click o pag-double click.
    • Limitasyon ng paggalaw: Para mag-click ng mga item sa loob ng isang partikular na saklaw, isaayos ang laki ng iyong ring.

Para mag-click nang hindi pisikal na pinipindot ang iyong mouse o touchpad, ituro ang bagay na gusto mong i-click.

Gumamit ng iba't ibang uri ng pag-click

Pagkatapos mong i-on ang mga awtomatikong pag-click, puwede mong i-customize ang mga pagkilos na ginagawa ng iyong mga pag-click.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, pumili ng pagkilos mula sa menu:
    • Mag-left click
    • Mag-right click
    • Mag-double click
    • Mag-click at mag-drag
    • Mag-scroll 
    • I-toggle ang posisyon ng menu
  2. Ituro kung saan mo gustong isagawa ang pagkilos.

Para ihinto ang mga awtomatikong pag-click, piliin ang Walang pagkilos (i-pause) .

 

Mag-scroll habang nagho-hover ka

  1. Sa menu ng mga awtomatikong pag-click, piliin ang Pag-scroll . May lalabas na isa pang menu na may mga opsyon sa pag-scroll.
  2. Ituro ang pagkilos ng pag-scroll na gusto jmong isagawa:
    • Kaliwa 
    • Kanan 
    • Itaas 
    • Ibaba 
    • Isara 

Tip: Para baguhin kung saan ka nagso-scroll, mag-hover sa bagong scrollbar o page hanggang lumipat sa bahaging iyon ang menu ng pag-scroll.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4534136088387508588
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false