Palitan ang kulay ng screen ng iyong Chromebook

Para matulungan ang iyong mata sa madilim na paligid, puwede mong baguhin ang mga kulay ng screen ng iyong Chromebook. Mas madaling makita ang mga red na hue sa gabi at makakatulong ito para hindi ka antukin kaagad.

Gamitin ang “Night Light” para magtakda ng custom na kulay at isaayos ang iskedyul nito. Puwede mo ring gamitin ang Dark mode para gawing preset na mas madilim na palette ang visual na tema ng iyong Chromebook.

Palitan mo mismo ang kulay ng iyong screen anumang oras

  1. Para buksan ang Mga Mabilisang Setting, sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Piliin ang Mga Setting .
  3. Sa seksyong "Device," piliin ang Mga Display.
  4. Sa ilalim ng "Night Light," i-on ang Night Light.
  5. Sa ilalim ng "Temperatura ng kulay," isaayos ang kulay.

Awtomatikong palitan ang kulay ng iyong screen sa gabi

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Piliin ang Mga Setting .
  3. Sa seksyong "Device," piliin ang Mga Display.
  4. Sa ilalim ng "Night Light," i-on ang Night Light.
  5. Piliin kung kailan papalitan ang kulay ng iyong screen sa seksyong "Iskedyul":
    • Custom na oras: Maglagay ng oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos.
    • Paglubog ng araw hanggang pagsikat ng araw: Gamitin ang mga oras ng paglubog ng araw at pagsikat ng araw ng kasalukuyan mong lokasyon para makontrol ang Night Light.
    • I-off: Para pigilang awtomatikong ma-on ang night mode, piliin ang Huwag kailanman.

Tip: Para mabilis na i-off ang Night Light, sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras at pagkatapos ay Night Light .

I-on ang Dark mode

  1. Sa iyong desktop, mag-right click at piliin ang Magtakda ng wallpaper at style.
  2. Piliin ang Tema.
  3. Para i-on ang Dark mode, sa ibaba, piliin ang Madilim.
    • Para magpalipat-lipat sa Light mode at Dark mode nang may nakatakdang iskedyul, piliin ang Auto.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14851271860542452882
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false