Iwasang ma-delete ang iyong mga na-download na file

Para mag-save ng file, tiyaking ilagay ito sa isang permanenteng folder. Puwedeng ma-delete ang anumang file sa folder na Mga Download kung maubusan ng espasyo ang iyong Chromebook.

Ilipat ang mga download sa isang permanenteng folder

Para mapanatili nang matagal ang iyong mga file, puwede mong ilipat ang mga ito mula sa folder na Mga Download papunta sa permanenteng folder.

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Sa kaliwa, piliin ang Mga Download.
  4. I-drag ang iyong file sa isa pang folder, gaya ng Aking Drive.

Para awtomatikong i-save ang mga file sa permanenteng folder, palitan ang iyong default na folder.

Permanente ang pag-delete ng mga download

Kapag nag-delete ka ng file sa folder na Mga Download ng iyong Chromebook, permanente ito at hindi maa-undo. Mag-delete lang ng mga file na hindi mo na ulit kakailanganin.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1108821384081167844
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false