Buksan at i-edit ang mga Office file sa iyong Chromebook

Sa iyong Chromebook, puwede kang magbukas, mag-edit, mag-download, at mag-save ng mga Microsoft® 365 file, gaya ng mga Word, PowerPoint, o Excel file.

Opsyon 1: Gamitin ang Microsoft 365 app

Puwede kang magbukas ng mga Microsoft file na naka-store sa iyong Chromebook gamit ang Microsoft 365 app, na may Word, Powerpoint, at Excel.

Magsimula

Para i-set up ang Microsoft 365 sa iyong computer:

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Hanapin at piliin ang Explore.
  3. Mag-navigate papunta sa "Microsoft 365."
  4. Piliin ang I-set up.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen at ikonekta ang app na Mga File sa Microsoft OneDrive. Kinakailangan ang OneDrive para magbukas at mag-edit ng mga file sa Microsoft 365.
    • Kapag tapos ka nang mag-set up, idaragdag ang Microsoft 365 app sa iyong Launcher at lalabas ang Microsoft OneDrive sa app na Mga File.

Bilang alternatibo, puwede mo ring i-set up ang Microsoft 365 kapag nagbukas ka ng dokumento ng Powerpoint, Excel, o Word sa unang pagkakataon:

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Hanapin at piliin ang Mga File .
  3. Magbukas ng kahit anong Powerpoint, Excel, o Word file.
  4. Kapag tinanong sa iyo kung aling app ang gusto mong gamitin, piliin ang Microsoft 365.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-install ang Microsoft 365 app at ikonekta ang app na Mga File sa Microsoft OneDrive. Kinakailangan ang OneDrive para magbukas at mag-edit ng mga file sa Microsoft 365.
  6. Kapag tapos ka nang mag-set up:
    • Idaragdag ang Microsoft 365 app sa iyong Launcher.
    • Lalabas ang Microsoft OneDrive sa app na Mga File.
    • Bubukas ang iyong file.

Magbukas at mag-edit ng mga file na naka-store sa iyong computer

Kapag na-set up na ang Microsoft 365 sa Chromebook mo, puwede kang magbukas at mag-edit ng mga file na makikita sa iyong app na Mga File.

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Hanapin at piliin ang Mga File .
  3. Magbukas ng kahit anong Powerpoint, Excel, o Word file.
  4. Ipo-prompt kang ilipat ang file sa Microsoft OneDrive kung wala pa ito roon.
    • Kinakailangan ang OneDrive para mag-edit ng mga file sa Microsoft 365.
  5. Kapag nailipat na ang iyong file, bubukas ito sa Microsoft 365
  6. Makikita mo ang iyong file sa folder na “Microsoft OneDrive” sa Mga File .
    • Mase-save sa lokasyong iyon ang anumang pagbabagong gagawin mo.
Tip: Puwede ka ring magbukas kahit kailan ng mga file nang direkta sa Microsoft 365 app.

Opsyon 2: Gamitin ang Google Docs, Sheets, o Slides

Nang walang kinakailangang i-set up, puwede ring magbukas ang mga Google app sa iyong computer ng mga Microsoft 365 file.

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Hanapin at piliin ang Mga File .
  3. Magbukas ng kahit anong Powerpoint, Excel, o Word file.
  4. Kapag tinanong ka kung aling app ang gusto mong gamitin, piliin ang Google Docs, Sheets, o Slides.
  5. Ipo-prompt kang ilipat ang iyong file sa Google Drive kung wala pa ito roon.
    • Kinakailangan ang OneDrive para magbukas at mag-edit ng mga file sa Google Docs, Sheets, o Slides.
  6. Kapag nailipat na ang iyong file, bubukas ito sa napiling Google app.
  7. Makikita mo ang iyong file sa folder na “Google Drive” sa Mga File .

Tip: Para baguhin ang app na magbubukas ng iyong file anumang oras:

  • I-right click ang Mga File .
  • Piliin ang Buksan gamit ang… at pagkatapos ay bagong app.

Kapag offline ka

Hindi ka makakapagbukas ng mga file sa Google Docs, Sheets, at Slides o ng mga Microsoft 365 file habang offline ang iyong computer.

Kapag sinubukan mong magbukas ng file habang offline, may matatanggap kang mensahe ng error. Magkakaroon ka ng opsyong buksan ang file sa isang basic na editor para sa offline na paggamit, na may limitadong functionality.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2833769488995411280
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false