I-update ang operating system ng iyong Chromebook

Awtomatikong naghahanap at nagda-download ng mga update ang iyong Chromebook kapag nakakonekta sa Wi-Fi o Ethernet.

Tumapos ng pag-update

  1. Kapag nag-download ng update sa software ang iyong Chromebook, hanapin ang notification na "May available na update."
  2. Piliin ang I-restart para I-update.
  3. Magre-restart at mag-a-update ang iyong Chromebook.

Tandaan: Para matuto pa tungkol sa mga pinakabagong feature ng Chromebook, sa notification na "May available na update," piliin ang Matuto pa tungkol sa pinakabagong update ng Chrome OS.

Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan:

  1. Kapag nag-download ng update sa software ang iyong Chromebook, magkakaroon ng kulay ang notification:
    • Asul: Inirerekomenda ang isang update.
    • Orange: Kinakailangan ang isang update.
  2. Piliin ang I-restart para i-update.
  3. Magre-restart at mag-a-update ang iyong Chromebook.

Ikaw mismo ang tumingin kung may mga update

  1. I-on ang iyong Chromebook.
  2. Ikonekta sa Wi-Fi ang iyong Chromebook.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  4. Piliin ang Mga Setting .
  5. Sa ibaba ng panel sa kaliwa, piliin ang Tungkol sa Chrome OS.
  6. Sa ilalim ng "Google Chrome OS," makikita mo kung aling bersyon ng operating system ng Chrome ang ginagamit ng iyong Chromebook.
  7. Piliin ang Tingnan kung may mga update.
  8. Kung makahanap ng update sa software ang iyong Chromebook, awtomatiko itong magsisimulang mag-download.

Tandaan: Kung ginagamit ng iyong Chromebook ang koneksyon sa internet ng telepono mo o ang sarili nitong mobile data, makakatanggap ka ng alerto tungkol sa kung gaano kalaking mobile data ang kailangan nito para mag-update. Pagkatapos ay puwede kang huminto o magpatuloy sa pag-update.

Ang impormasyong ipinapadala sa Google kapag nag-update ka

Kapag tumitingin ng mga update ang iyong Chromebook, nagpapadala ito ng impormasyon sa Google, gaya ng numero ng bersyon at wika ng computer. Hindi nauugnay ang impormasyong ito sa iyo o sa Google Account mo.

Ayusin ang mga problema sa mga update

Kung ayaw ma-download ng update sa iyong system, subukan ang mga hakbang sa ibaba. Subukan ang iyong Chromebook pagkatapos ng bawat hakbang para makita kung naayos ang problema.

  1. I-off ang iyong Chromebook, pagkatapos ay i-on ito ulit.
  2. Kung nagkakaproblema ka sa mobile data ng iyong telepono o Chromebook para i-update ang system mo, magdiskonekta sa telepono o mobile data. Sa Wi-Fi o Ethernet na lang kumonekta.
  3. I-reset ang iyong Chromebook.
  4. I-recover ang iyong Chromebook.

Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, makipag-ugnayan sa iyong administrator para sa higit pang tulong.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
208
false