Gamitin ang mga feature sa gaming sa iyong Chromebook

Puwede mong mapahusay ang iyong karanasan sa gaming sa pamamagitan ng mga feature sa gaming sa ilang Chromebook.

Mahalaga: Nalalapat lang ang mga feature sa ibaba sa mga Chromebook device na ito:

  • Acer Chromebook 516 GE
  • ASUS Chromebook Vibe CX55 Flip
    • Hindi sinusuportahan ng ASUS CX55 Flip ang RGB na keyboard.
  • Lenovo Ideapad Gaming Chromebook

Gamitin ang Launcher para maghanap at mag-download ng mga laro

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Sa search bar sa itaas, maghanap ng pamagat ng laro o keyword.
    • Kung na-download mo na ang laro, piliin ito para maglaro.
    • Kung hindi mo pa na-download ang laro, puwede mo itong bilhin sa pamamagitan ng ibang serbisyo sa laro, tulad ng Play Store at GeForce NOW.
  3. Kung pipiliin mong bilhin ang laro, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Baguhin ang kulay ng iyong RGB na keyboard

Para i-personalize ang iyong experience sa gaming, puwede mong piliin ang mga kulay ng backlight ng keyboard mo.

Paglalarawan ng backlight ng keyboard

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Piliin ang Mga Setting .
  3. Sa "Wallpaper at style," piliin ang Itakda ang iyong wallpaper at style.
  4. Sa ibaba, sa "Backlight ng keyboard," piliin ang iyong custom na kulay.
    • Tip: Batay sa iyong kasalukuyang wallpaper ang default na kulay ng keyboard.

Maghanap ng higit pang laro at alok

Puwede kang maghanap ng mga laro at alok at matuto pa tungkol sa gaming sa ChromeOS dito.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16351285750610709452
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false