Magpalipat-lipat sa stable, beta, at dev software

Puwede mong subukan ang mga pinakabagong feature ng Chrome operating system (OS) sa pamamagitan ng paglipat sa mas pang-eksperimentong channel ng software. May tatlong iba't ibang channel ng software ang Chrome OS:

  • Stable na channel: Ang channel na ito ay ganap nang nasubukan ng Chrome OS team, at ito ang pinakamainam na opsyon para maiwasan ang mga pag-crash at iba pang problema. Ina-update ito halos bawat 2–3 linggo para sa maliliit na pagbabago, at bawat 4 na linggo para sa malalaking pagbabago.
  • Beta channel: Para makita ang mga paparating na pagbabago at pagpapahusay nang may kaunting panganib, gamitin ang Beta channel. Ina-update ito halos bawat linggo, at may dumarating na malalaking update bawat 4 na linggo, mahigit isang buwan bago mapunta sa Stable na channel ang mga ito.
  • Dev channel: Para makita ang mga pinakabagong feature ng Chrome OS, gamitin ang Dev channel. Naa-update ang Dev channel isa o dalawang beses bawat linggo. Habang sinusubukan ang build na ito, posibleng mayroon itong mga bug, dahil gusto naming makita ng mga tao kung ano ang bago sa lalong madaling panahon.

Mahalaga: Para lumipat ng channel, ikaw dapat ang may-ari ng Chromebook. Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, baka hindi ka puwedeng lumipat ng channel. Bago ka lumipat ng channel, i-back up ang iyong data.

Tingnan kung nasa anong channel ka

  1. Mag-sign in sa iyong Chromebook kung hindi ka pa naka-sign in.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  3. Piliin ang Mga Setting .
  4. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang Tungkol sa Chrome OS.
  5. Piliin ang Mga karagdagang detalye.
  6. Sa ilalim ng "Channel," lagyan ng check ang channel kung nasaan ang iyong Chromebook.

Lumipat ng channel

Babala: Kapag lumipat mula sa isang pang-eksperimentong channel patungo sa mas stable na channel, made-delete ang lahat ng bagay sa iyong Chromebook, tulad ng mga na-download na file, larawan, pahintulot ng may-ari, at naka-save na network para sa lahat ng account. Kakailanganin mong mag-sign in ulit gamit ang iyong Google Account.

  1. Mag-sign in sa iyong Chromebook gamit ang account ng may-ari.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  3. Piliin ang Mga Setting .
  4. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang Tungkol sa Chrome OS.
  5. Piliin ang Mga karagdagang detalye.
  6. Sa tabi ng "Channel," piliin ang Lumipat ng channel.
  7. Pumili ng channel.
  8. Piliin ang Lumipat ng Channel.
    • Kung lilipat ka sa Beta o Dev, magda-download ang iyong Chromebook ng update at hihilingin nitong mag-restart.
    • Para lumipat sa Stable o Beta, piliin ang Lumipat ng channel at Mag-powerwash. Kapag nagsimulang ma-install ang update, piliin ang Ilunsad Ulit at I-powerwash. Made-delete ang lahat ng bagay sa iyong Chromebook, at kakailanganin mong mag-sign in ulit gamit ang iyong Google Account.

Mahalaga: Kung gagamitin mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan at lilipat ka sa Beta mula sa Dev o sa Stable mula sa Beta sa pamamagitan ng pag-powerwash, hindi mag-a-update kaagad ang Chromebook mo. Mag-a-update ang iyong software kapag tumugma ang bago at mas stable mong bersyon ng software sa bersyong naka-install na sa iyong Chromebook. Hindi made-delete ang iyong mga app, data, at setting.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
208
false