I-adjust ang volume sa iyong Chromebook

Puwede mong baguhin ang volume ng iyong mikropono, speaker, o iba pa sa pamamagitan ng Mga Mabilisang Setting o page ng Mga Setting ng Audio.

Kontrolin ang volume ng iyong mikropono mula sa Mga Mabilisang Setting

Puwede mong isaayos kung gaano kalakas o kahina ang iyong boses para sa iba habang nasa tawag o pulong.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Sa tabi ng slider ng volume, piliin ang Mga setting ng audio .
  3. Sa ilalim ng “Input,” i-drag ang slider ng mikropono pakaliwa o pakanan.
Tip: Para i-mute ang volume, piliin ang Mikropono .

Baguhin ang volume ng iyong speaker mula sa Mga Mabilisang Setting

Para makontrol kung gaano kalakas o kahina ang tunog ng iba sa iyo, i-adjust ang iyong speaker, headphone, o iba pang volume ng output.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. I-drag ang slider ng volume pakaliwa o pakanan.
    • Tip: Para i-mute ang volume, piliin ang Volume .
  3. Para makita ang iyong mga setting sa output, piliin ang Mga setting ng audio .
  4. Sa ilalim ng “Output,” magkakaroon ng berdeng check sa kanan ang device na ginagamit.

Sabihin sa Google Assistant na i-adjust ang volume

Para baguhin ang volume ng iyong output, sabihin ang “Ok Google" o "Hey Google," pagkatapos ay magsabi ng command.  Alamin kung paano gamitin ang Google Assistant gamit ang iyong boses.

  • Lakasan: Sabihin ang "Turn it up (Lakasan)." (Nilalakasan ang volume nang 10%).
  • Hinaan: Sabihin ang "Turn it down (Hinaan)." (Hinihinaan ang tunog nang 10%).
  • Magtakda ng partikular na antas o porsyento: Magsabi ng partikular na antas o porsyento ng volume, tulad ng "Volume to 5 (Gawing 5 ang volume)." o "Volume to 65% (Gawing 65% ang volume)."
  • Baguhin ang volume nang [X]: Magsabi ng partikular na porsyento ng volume, tulad ng "Increase volume by 10% (Lakasan nang 10% ang volume)." o "Decrease volume by 10% (Bawasan ang volume nang 10%)."
  • I-maximize: Sabihin ang "Maximum volume (Gawing maximum ang volume)."
  • I-minimize: Sabihin ang "Minimum volume (Gawing minimum ang volume)."
  • I-mute: Sabihin ang "Mute volume (I-mute ang volume)."

I-on ang pagkakansela ng ingay mula sa Mga Mabilisang Setting

Mahalaga: Ilang device lang ang sumusuporta sa pagkakansela ng ingay. Kung hindi mo makumpleto ang mga hakbang sa ibaba, hindi sinusuportahan ng iyong device ang feature na ito.
  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Sa tabi ng slider ng volume, piliin ang Mga setting ng audio .
  3. Sa ilalim ng "Input," i-on o i-off ang Pagkakansela ng ingay.

Gumawa ng mga adjustment mula sa page ng Mga Setting ng Audio

Sa page na ito, magagawa mong:

  • Kontrolin ang volume ng mga input at output device.
  • Lumipat ng source na device.
  • Pamahalaan ang mga mas advanced na feature, gaya ng pagkakansela ng ingay.
  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. I-click ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng “Device,” i-click ang Tunog.
  4. Mula rito, puwede mong isaayos ang mga sumusunod na setting:
    • Output:
      • Volume: Ina-adjust ang volume
      • Mute: Minu-mute ang tunog
      • Device: Pumili sa mga available na device
    • Input:
      • Volume: Ina-adjust ang volume
      • Device: Pumili sa mga available na device
      • Mic test: Sinusubukan ang mikropono

Tip: Batay sa napiling device, posibleng magkaroon ng higit pang available na setting.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11808369403353996901
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false