Mga hinihiling na pahintulot ng mga app at extension

Kapag nag-install o nag-update ka ng mga app at extension, maaaring may lumabas na babala sa pag-access sa iyong data. Ang babala ay hindi nangangahulugang mapanganib ang app, maaari lang itong maging mapanganib. Tanggapin ang babala upang payagan ang pahintulot o tanggihan ito upang pigilan ang app o extension na ma-access ang iyong impormasyon.

Pagkilala sa mga antas ng pahintulot

Nasa ibaba ang mga pahintulot na maaaring hilingin ng mga app at extension at ang mga antas ng potensyal na panganib ng mga ito.

Mataas na alerto High alert

Kapag kinakailangan ng pahintulot ng access sa lahat ng data sa iyong computer at mga website na binibisita mo, ang ibig sabihin nito ay maaaring ma-access ng app o extension ang halos kahit ano. Ito ay maaaring ang iyong webcam o mga personal na file, sa loob o labas ng browser mo.

Katamtamang alerto Medium alert

Maaaring humiling ang mga alertong ito ng access sa:

  • Iyong data sa lahat ng binibisita mong website, na nagbibigay ng access na basahin, hilingin, o baguhin ang data mula sa bawat page na iyong binibisita (bank account, Facebook).
  • Iyong data sa isang listahan ng mga website, na nagbibigay ng access na basahin, hilingin, o baguhin ang data sa mga page na binibisita mo sa isang listahan ng mga tinukoy na website.
Mababang alerto Low alert

Humihiling ito ng access sa:

  • Iyong listahan ng mga naka-install na app, extension, at tema: Ang app o extension ay maaaring mag-enable, mag-disable, mag-uninstall, o maglunsad ng mga tema, extension, at app na na-install mo.
  • Iyong mga bookmark: Maaaring basahin, baguhin, dagdagan, at ayusin ng app o extension ang mga bookmark mo.
  • Iyong history ng pag-browse: Maaaring basahin at burahin ng app o extension ang history ng pag-browse mo.
  • Iyong mga tab at aktibidad sa pag-browse: Maaaring makita ng app o extension ang mga URL at pamagat ng mga website na binibisita mo. Maaari din itong magbukas at magsara ng mga tab at window, at mag-navigate sa mga bagong page sa mga nakabukas na tab at window.
  • Iyong pisikal na lokasyon: Maaaring gamitin ng app o extension ang kasalukuyang lokasyon ng computer o device mo.
  • Data na kinokopya at pine-paste mo: Maaaring ma-access ng app o extension ang kinopya at na-paste mong impormasyon
  • Hihilingin sa iyo ng mga opsyonal na pahintulot na tanggihan o payagan ang mga pahintulot pagkatapos ma-install ang app o extension. Kapag pinayagan mo ang mga opsyonal na pahintulot, hindi mo na mababago ang mga ito pagkatapos.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10758953874920349679
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false