Pamahalaan ang mga babala tungkol sa mga hindi ligtas na site

Posible kang makatanggap ng babala kung hindi ligtas ang site na sinusubukan mong bisitahin. Ang mga site na ito ay kadalasang tinatawag na mga site ng phishing o malware.

Makatanggap ng mga babala tungkol sa mga hindi ligtas na site

Naka-on bilang default ang pag-detect sa phishing at malware sa Chrome. Kapag may napuntahan kang mga site na may phishing, malware, hindi gustong software, o social engineering, posibleng makatanggap ka ng pulang babala na nagsasabing "Mapanganib na site." Kung makikita mo ang babalang ito, inirerekomenda naming huwag mong bisitahin ang site.

Para maprotektahan ka laban sa mga hindi ligtas na website, nagpapanatili ang Ligtas na Pag-browse sa Google ng listahan ng mga website na posibleng maglagay sa iyo sa panganib na dulot ng malware, mga mapang-abusong extension, phishing, mga nakakapinsala at nakakasagabal na ad, at mga social engineering attack.

Para ma-detect at mabigyan ka ng babala tungkol sa mga kilala at bagong hindi ligtas na site nang real time, puwede mo ring i-on ang Pinahusay na Ligtas na Pag-browse. Alamin ang tungkol sa level ng proteksyon ng Ligtas na Pag-browse sa Chrome.

Tip: Mag-download nang may pag-iingat. Posibleng sabihin sa iyo ng ilang site na mayroon kang virus para mahikayat kang mag-download ng mapaminsalang software. Mag-ingat para hindi makapag-download ng anumang nakakapinsalang software.

Ano ang ibig sabihin ng mga babala tungkol sa mga hindi ligtas na site

Ang mga hindi ligtas na site ay karaniwang mga website na nanlilinlang sa iyo na gumawa ng isang mapanganib na bagay online, tulad ng pagsubok na maipamigay mo ang iyong mga password o personal na impormasyon. Puwedeng mapinsala ng mga ito ang iyong device o magdulot ng mga problema kapag nag-browse ka online.

Ang mga site na ito ay posibleng:

  • Phishing
  • Social engineering
  • Sumusubok na mag-install ng malware o hindi gustong software sa iyong computer
Pamahalaan ang mga babala tungkol sa mga hindi ligtas na site

Kung ayaw mong mabigyan ng babala tungkol sa hindi ligtas na content, puwede mong i-off ang Google Play Protect. Io-off din nito ang lahat ng proteksyon ng iyong Android device laban sa mga nakakapinsalang app at content. 

Para sa seguridad, inirerekomenda naming palagi mong hayaang naka-on ang Google Play Protect.

I-off o i-on ulit ang Google Play Protect
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Store Google Play.
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Play Protect.
  3. I-on o i-off ang I-scan ang device para sa mga banta sa seguridad.

Kapag bumisita ka sa isang hindi ligtas na site

Puwede kang bumisita sa isang page na nagpapakita ng babala. Hindi ito inirerekomenda.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa page kung saan ka nakatanggap ng babala, i-tap ang Mga Detalyeat pagkatapos ay Bisitahin ang hindi ligtas na site na ito.
  3. Maglo-load ang page.

Ang ibig mo bang sabihin ay [pangalan ng site]?

Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, iniisip ng Chrome na posibleng para sa site na iba sa inasahan mo ang address sa web.

Posible ring sabihin ng mensaheng “Ito ba ang tamang site?” o “Peke ang site na pinupuntahan.”

Matatanggap mo ang mensaheng ito kapag ang website na sinusubukan mong bisitahin ay:

  • Lumalabas na katulad ng ligtas na site na karaniwan mong binibisita.
  • Sinusubukan kang linlangin gamit ang isang URL na bahagyang nagbago mula sa isang kilalang ligtas na site.
  • May URL na bahagyang iba sa isang URL na nasa iyong history ng pag-browse.

Kung sa palagay mo ay hindi dapat na-flag ang isang page at gusto mong magpatuloy sa site, piliin ang Oo, magpatuloy.

Minarkahang mapanganib o kahina-hinala ang aking site o software

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12376510398591423098
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false