Paano pinapanatiling pribado ng Incognito sa Chrome ang iyong pagba-browse

Makakatulong ang Incognito mode para mapanatili mong pribado ang iyong pag-browse mula sa ibang taong gumagamit ng device mo.

Paano gumagana ang Incognito mode

Sa unang beses na magbukas ka ng bagong Incognito window, gumagawa ka ng bagong Incognito session na pag-browse. Magiging bahagi ng parehong session ang anumang Incognito window na bubuksan mo pagkatapos noon. Puwede mong tapusin ang Incognito session na iyon sa pamamagitan ng pagsasara ng lahat ng bukas na Incognito window.

Sa Incognito, hindi nase-save sa device mo ang iyong history ng pag-browse, cookies at data ng site, o ang impormasyong inilagay mo sa mga form. Ibig sabihin, hindi lalabas ang iyong aktibidad sa history ng pag-browse mo sa Chrome, kaya hindi ito makikita ng mga taong gumagamit din ng iyong device. Ituturing ka ng mga website bilang bagong user at hindi malalaman ng mga ito kung sino ka, hangga't hindi ka nagsa-sign in.

Kung nagba-browse ka sa Incognito mode ng Chrome, bilang default, hindi ka naka-sign in sa anumang account o site.

Posibleng makita ng iyong paaralan, Internet Service Provider, o anumang software sa pagsubaybay ng magulang ang aktibidad mo. Puwede mong tingnan kung pinapamahalaan ang iyong Chrome browser.

Puwede mong piliing mag-block ng third-party na cookies kapag nagbukas ka ng bagong Incognito window. Matuto pa tungkol sa cookies.

Paano pinoprotektahan ng Incognito mode ang iyong privacy

Ano ang nagagawa ng Incognito mode

  • Kapag nag-browse ka gamit ang Incognito mode, hindi mase-save ang data ng iyong aktibidad sa device mo, o sa Google Account kung saan hindi ka naka-sign in.
    • Halimbawa, puwede mong gamitin ang Incognito mode para bumili online ng regalo para sa kaarawan ng miyembro ng pamilyang nakiki-share sa iyong device. Kung hindi ka magsa-sign in sa iyong Google Account, hindi lalabas ang aktibidad mo sa pamimili sa iyong aktibidad sa pag-browse sa Chrome at hindi ito mase-save sa Google Account mo.
  • Sa tuwing isasara mo ang lahat ng Incognito window, idi-discard ng Chrome ang anumang data ng site at cookies na nauugnay sa session ng pag-browse na iyon.
  • Hindi ipinapaalam ng Chrome sa mga website, kabilang ang Google, kapag nagba-browse ka nang pribado sa Incognito mode.

Ano ang hindi nagagawa ng Incognito mode

  • Pinipigilan kang ipaalam sa isang website kung sino ka. Kung magsa-sign in ka sa anumang website gamit ang Incognito mode, malalaman ng site na iyon na ikaw ang nagba-browse at masusubaybayan nito ang mga aktibidad mo mula sa sandaling iyon.
  • Pinipigilan ang iyong aktibidad o lokasyon na maging visible sa mga website na binibisita mo at serbisyong ginagamit ng mga ito, iyong paaralan, employer, o Internet Service Provider mo.
  • Pinipigilan ang mga website na binibisita mong maghatid ng mga ad batay sa iyong aktibidad habang nasa Incognito session. Pagkatapos mong isara ang lahat ng Incognito window, hindi makakapaghatid ng mga ad sa iyo ang mga website batay sa naka-sign out na aktibidad mo sa panahon ng naisarang session na iyon.

Bagama't nagbibigay ang Incognito mode ng lokal na privacy sa iyong device, hindi nito naaapektuhan kung paano nangongolekta ng data ang Google kapag gumagamit ka ng ibang produkto at serbisyo, ayon sa nakasaad sa Patakaran sa Privacy.

Ikaw ang may kontrol
  • Isara ang lahat ng Incognito window at tab kapag tapos ka nang mag-browse. Natatapos ang isang session kapag isinara mo ang lahat ng Incognito window, kung kaya't hindi madi-discard ang iyong data sa pamamagitan ng pagsasara ng iisang tab. Kung may makikita kang numero sa tabi ng icon ng Incognito sa iyong desktop o sa ibaba ng browser mo sa isang mobile device, mayroon kang mahigit sa isang nakabukas na Incognito window o tab.
  • Puwede mong piliing mag-sign in sa anumang account kapag gumagamit ka ng Incognito mode. Kung magsa-sign in ka sa isang serbisyo ng Google, tulad ng Gmail, o sa isang site, posibleng matandaan ng site na iyon ang aktibidad mo.
  • I-delete ang anumang download at bookmark na hindi mo gustong tandaan ng iyong device. Mase-save ang mga file na ida-download mo at ang mga bookmark na iyong gagawin anuman ang mode.

Matuto pa tungkol sa paggamit ng Incognito mode.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16988486216059345181
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false