Kontrolin ang musika, video, o anumang nagpe-play ng tunog sa isang tab ng Chrome.
Mag-play ng musika o tunog sa lahat ng tab ng Chrome
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa isang tab, mag-play ng musika, video, o anupamang may tunog. Puwede kang manatili sa tab na iyon o mag-navigate sa ibang tab.
- Para kontrolin ang tunog, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Controller ng media
.
- Puwede kang mag-pause, pumunta sa susunod na kanta o video, o piliing bumalik sa tab kung saan nagpe-play ang kanta o video.
Tip: Patuloy na magpe-play ang iyong media manatili ka man sa tab o pumunta sa ibang tab.
Baguhin ang iyong mga default na pahintulot sa tunog sa computer mo
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Piliin ang Privacy at seguridad
Mga setting ng site.
- Sa ilalim ng “Content,” piliin ang Mga karagdagang setting ng content
Tunog.
- Piliin ang opsyong gusto mong maging iyong default na setting.
Manood ng video sa lahat ng tab ng Chrome
Makakapag-play ka ng video mula sa isang tab sa mas maliit na window sa itaas ng iba pang tab na bina-browse mo.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa isang tab, mag-play ng video.
- Para panoorin ang video habang nagba-browse sa iba pang tab, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Controller ng media
Pumasok sa picture-in-picture
.
Tip: Para baguhin ang posisyon, piliin at i-drag ang window ng video.
Mahalaga: Puwede kang gumamit ng awtomatikong picture-in-picture sa isang website kung na-enable ito ng developer.
Kapag pinayagan mo ang awtomatikong picture-in-picture sa Chrome, puwede kang manood ng video habang ginagamit mo ang iyong screen para sa iba pang gawain.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa website kung saan mo gustong manood ng video.
- I-play ang video.
- Kapag na-prompt, pumili mula sa:
- Payagan sa ngayon
- Payagan sa bawat pagbisita
- Huwag payagan
Baguhin ang iyong mga pahintulot sa awtomatikong picture-in-picture:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Piliin ang Privacy at seguridad
Mga setting ng site.
- Sa ilalim ng “Mga Pahintulot,” piliin ang Mga karagdagang setting ng pahintulot
Awtomatikong picture-in-picture.
- Piliin ang gusto mong pahintulot:
- Awtomatikong makakapasok sa picture-in-picture ang mga site
- Huwag payagan ang mga site na awtomatikong pumasok sa picture-in-picture
Mga Tip:
- Sa kaliwa ng address bar, puwede mo ring i-on ang Awtomatikong picture-in-picture kapag pinili mo ang Impormasyon ng page
.
- Naka-off ang awtomatikong picture-in-picture sa Incognito mode bilang default.
Mag-cast ng media sa mga available na device
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa isang tab, mag-play ng musika, video, o anupamang may tunog. Puwede kang manatili sa tab na iyon o mag-navigate sa ibang tab.
- Para buksan ang mga controller ng media, sa kanan ng address bar, piliin ang Controller ng media
.
- Sa kaliwang sulok sa ibaba ng pop-up, piliin ang Mag-cast sa device.
- Piliin ang device kung saan gusto mong mag-cast.
Kung may feedback ka sa feature na ito, alamin kung paano magpadala ng feedback sa Chrome. Para magsumite ng feedback na nauugnay sa Google Cast, pumunta sa chrome://cast-feedback.