Mga statistics sa paggamit at mga ulat ng pag-crash

Tulungan kaming gawing priyoridad ang mga tampok at pagpapabuting dapat naming pagsumikapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahintulot sa Google Chrome na magpadala sa Google ng mga statistics sa paggamit at ulat ng pag-crash, na mga file na nililikha kapag nagsara ang browser nang hindi inaasahan.

Ang mga statistics sa paggamit ay naglalaman ng pinagsama-samang impormasyon tulad ng mga kagustuhan, pag-click sa button at paggamit ng memory. Hindi nito isinasama ang mga URL ng web page o anumang personal na impormasyon, na may sumusunod na pagbubukod: tulad ng itinala sa patakaran sa privacy ng Chrome, kung nag-opt in ka sa tampok na ito at nakarating sa isang webpage na pinaniniwalaang isang website ng phishing o malware, magpapadala ang Chrome ng ilang partikular na impormasyon kabilang ang URL ng pahina sa Google upang tulungang palawakin ang mga listahan ng phishing at malware. Ang mga ulat ng pag-crash ay naglalaman ng impormasyon ng system sa panahon ng pag-crash, at maaaring maglaman ng mga URL ng web page o personal na impormasyon, depende kung ano ang nangyayari sa panahon ng pag-crash.

Maari mong palitan anumang oras kung ipapadala sa Google ang statistics ng paggamit at mga ulat ng pag-crash. Sundin ang mga hakbang na ito pagka-install mo ng Google Chrome:

  1. I-click ang menu ng Chrome Chrome menu sa browser toolbar.
  2. Piliin ang Mga Setting.
  3. I-click ang Ipakita ang mga advanced na setting.
  4. Sa seksyong "Privacy," gamitin ang checkbox na "Awtomatikong magpadala ng mga statistics sa paggamit at ulat ng pag-crash sa Google" upang makontrol ang setting na ito.