Ang Progressive Web App (PWA) ay app na binuo para sa web na nagbibigay ng experience na katulad ng sa mobile app. Mabilis ang mga PWA at nag-aalok ang mga ito ng marami sa mga feature na available sa mga mobile device. Halimbawa, puwedeng gumana offline at magpadala ng mga notification ang mga ito.
Puwede mong gamitin ang mga PWA para sa mabilis na experience sa web sa iyong computer o mobile device. Puwede kang mag-install ng PWA para sa mas mabilis na access at karagdagang functionality, gaya ng mas malaking storage para sa content na maba-browse offline.
Tip: Kahit na idinisenyo ang mga PWA para gumana offline, posibleng hindi ganap na gumana ang ilan nang walang koneksyon.
Mag-install ng PWA
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa website na gusto mong i-install.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng address bar, i-click ang I-install .
- Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-install ang PWA.
Tip: Nag-aalok ang ilang app ng mga shortcut papunta sa mga feature. Para makakita ng listahan ng mga shortcut ng app, i-right click ang PWA sa taskbar.
Mag-uninstall ng PWA
Mag-uninstall mula sa Windows, Mac, o Linux computer- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa website na gusto mong i-uninstall.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa I-uninstall ang [pangalan ng app].
- I-click ang Alisin.
- Para mag-delete ng data ng app mula sa Chrome, piliin ang "I-delete rin ang data mula sa Chrome."
Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang mga PWA sa pamamagitan ng chrome://apps
.
- Sa iyong launcher, mag-right click sa icon ng PWA at piliin ang I-uninstall.
- Para mag-clear ng data, piliin ang I-clear din ang data mula sa pagba-browse.
- Kung iki-clear mo ang data mula sa pagba-browse, aalisin din sa Chrome ang lahat ng data na nauugnay sa site. Sa susunod na bumisita ka sa site, kakailanganin mong mag-sign in ulit.
- Piliin ang I-uninstall.
Tanggapin o tanggihan ang mga update sa pangalan ng app
Aabisuhan ka ng Google Chrome tungkol sa mga update sa app kapag gustong i-update ng app ang pangalan nito sa ilalim ng icon nito sa iyong screen.
Mapipili mo kung gusto mong tanggapin ang update o i-uninstall ang app.
Mahalaga: Kapag malaki ang pagbabago, tulad ng pagbabago sa pangalan para magmukhang ibang app, posibleng nakakapinsalang pagbabago ito na ginawa ng developer. Kung sa tingin mo ay ganoon ang sitwasyon, i-uninstall ang app.
- Para tanggapin ang pagbabago: I-click ang OK.
- Para i-uninstall ang app: I-click ang I-uninstall ang app.
Pamahalaan ang iyong mga app sa Chrome
Gumawa ng mga shortcut para sa mga appKung gumagamit ka ng Windows, Mac o Linux, maaari kang gumawa ng mga shortcut upang mas mabilis na mabuksan ang mga app. Puwede mong ilagay ang mga shortcut na ito sa iyong desktop o mga menu.
- Sa isang bagong tab, buksan ang
chrome://apps
. - I-right click ang app na gusto mong gawan ng shortcut.
- Piliin ang Gumawa ng shortcut.
- Piliin kung saan mo gustong makita ang mga shortcut sa iyong computer.
- I-click ang Gumawa.
Puwede mong i-set up ang iyong mga app para awtomatikong maglunsad kapag nag-sign in ka sa Windows, Mac, o Linux.
- Mag-navigate sa
chrome://apps
. - Para buksan ang menu, mag-right click sa isang app, gaya ng Google Maps.
- Piliin ang Buksan ang App Kapag Nag-sign in Ka.
Tip: Para i-off ang feature na ito, i-right click ang app at i-deselect ang Buksan ang App Kapag Nag-sign In Ka.
Pamahalaan ang mga setting ng PWA
- I-click ang app sa iyong dock o desktop.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng window ng app, i-click ang Higit pa .
- Piliin ang Impormasyon ng app Mga Setting.
- Piliin ang setting na gusto mong i-update: