Ang web app ay app na binuo para sa web na puwede mong i-access sa anumang device. Puwede kang gumamit ng mga web app para gumana ang website bilang app at ma-access ito sa iyong computer o mga mobile device sa pamamagitan ng launcher o home screen. May mga karagdagang feature ang ilang web app, tulad ng mas malaking storage para mag-browse ng content offline, mga notification, access sa system ng file, at mga badge ng icon.
Tip: Bagama't gumagana ang mga web app offline, posibleng hindi gumana nang buo ang ilan sa mga ito nang walang koneksyon sa internet.
Mag-install ng web app
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa website na gusto mong i-install.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
I-cast, i-save, at i-share
I-install ang page bilang app....
- Sa ilang website, sa kanang bahagi sa itaas ng address bar, piliin ang I-install
.
- Sa ilang website, sa kanang bahagi sa itaas ng address bar, piliin ang I-install
- Para i-install ang web app, sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tip: Nag-aalok ang ilang app ng mga shortcut papunta sa mga feature. Para makakita ng listahan ng mga shortcut ng app, i-right click ang web app sa taskbar. Matuto pa tungkol sa mga shortcut para sa mga website sa Chrome.
Mag-uninstall ng web app
Mag-uninstall mula sa Windows, Mac, o Linux computer- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Buksan ang web app na gusto mong i-uninstall.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
I-uninstall ang [pangalan ng app]
Alisin.
- Para i-delete ang data ng app sa Chrome, piliin ang "I-delete din ang data sa Chrome."
Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang mga web app sa pamamagitan ng chrome://apps.
- Sa iyong launcher, mag-right click sa icon ng web app.
- Piliin ang I-uninstall.
- Para i-delete ang data, piliin ang I-delete din ang data mula sa pag-browse.
- Kapag nag-delete ka ng data mula sa pag-browse, maaalis din sa Chrome ang lahat ng data na may kaugnayan sa website. Sa susunod na bumisita ka sa website, kakailanganin mong mag-sign in ulit.
- Piliin ang I-uninstall.
Pamahalaan ang mga update sa pangalan at icon ng app
Mahalaga: Kung pinaghihinalaan mong may nakakapinsalang pagbabago, gaya ng pag-update sa pangalan ng app o pagbabago sa icon para magmukhang ibang app, i-uninstall ang app.
Kapag gustong i-update ng isang web app ang pangalan o icon nito sa iyong screen, aabisuhan ka ng Google Chrome tungkol sa mga update.
Mapipili mong tanggapin ang update, balewalain ito, o i-uninstall ang app.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng window ng web app, piliin ang May available na update sa app
.
- Piliin ang Suriin ang update sa app.
- Para tanggapin ang pagbabago: Piliin ang I-update.
- Isasara nito ang dialog at sisimulan ang pag-update.
- Para i-uninstall ang app: Piliin ang I-uninstall.
- Para i-uninstall, sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Para balewalain ang update: Piliin ang Balewalain.
- Kung babalewalain mo ang isang update, hindi ito lalabas sa window. Puwede mo pa ring i-update ang app kapag pumunta ka sa Higit pa
.
- Kung babalewalain mo ang isang update, hindi ito lalabas sa window. Puwede mo pa ring i-update ang app kapag pumunta ka sa Higit pa
- Para tanggapin ang pagbabago: Piliin ang I-update.
Pamahalaan ang iyong mga app sa Chrome
Gumawa ng mga shortcut para sa mga appKung gumagamit ka ng Windows, Mac o Linux, maaari kang gumawa ng mga shortcut upang mas mabilis na mabuksan ang mga app. Puwede mong ilagay ang mga shortcut na ito sa iyong desktop o mga menu.
- Sa isang bagong tab, buksan ang
chrome://apps. - I-right click ang app na gusto mong gawan ng shortcut.
- Piliin ang Gumawa ng shortcut.
- Piliin kung saan mo gustong makita ang mga shortcut sa iyong computer.
- I-click ang Gawin.
Puwede mong i-set up ang iyong mga app para awtomatikong maglunsad kapag nag-sign in ka sa Windows, Mac, o Linux.
- Mag-navigate sa
chrome://apps. - Para buksan ang menu, mag-right click sa app, tulad ng Google Maps.
- Piliin ang Ilunsad sa startup.
Tip: Para i-off ang feature na ito, i-right click ang app at i-deselect ang Ilunsad sa startup.
Pamahalaan ang mga setting ng web app
- I-click ang app sa iyong dock o desktop.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng window ng app, piliin ang Higit pa
.
- Piliin ang Impormasyon ng app
Mga Setting.
- Piliin ang setting na gusto mong i-update: