Gumamit ng mga web app

Ang web app ay app na binuo para sa web na puwede mong i-access sa anumang device. Puwede kang gumamit ng mga web app para gumana ang website bilang app at ma-access ito sa iyong computer o mga mobile device sa pamamagitan ng launcher o home screen. May mga karagdagang feature ang ilang web app, tulad ng mas malaking storage para mag-browse ng content offline, mga notification, access sa system ng file, at mga badge ng icon.

Tip: Bagama't gumagana ang mga web app offline, posibleng hindi gumana nang buo ang ilan sa mga ito nang walang koneksyon sa internet.

Mag-install ng web app

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa website na gusto mong i-install.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa at pagkatapos I-cast, i-save, at i-share at pagkatapos I-install ang page bilang app....
    • Sa ilang website, sa kanang bahagi sa itaas ng address bar, piliin ang I-install .
  4. Para i-install ang web app, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Nag-aalok ang ilang app ng mga shortcut papunta sa mga feature. Para makakita ng listahan ng mga shortcut ng app, i-right click ang web app sa taskbar. Matuto pa tungkol sa mga shortcut para sa mga website sa Chrome.

Mag-uninstall ng web app

Mag-uninstall mula sa Windows, Mac, o Linux computer
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Buksan ang web app na gusto mong i-uninstall.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-uninstall ang [pangalan ng app] at pagkatapos Alisin.
    • Para i-delete ang data ng app sa Chrome, piliin ang "I-delete din ang data sa Chrome."

Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang mga web app sa pamamagitan ng chrome://apps.

Mag-uninstall mula sa Chromebook
  1. Sa iyong launcher, mag-right click sa icon ng web app.
  2. Piliin ang I-uninstall.
  3. Para i-delete ang data, piliin ang I-delete din ang data mula sa pag-browse.
    • Kapag nag-delete ka ng data mula sa pag-browse, maaalis din sa Chrome ang lahat ng data na may kaugnayan sa website. Sa susunod na bumisita ka sa website, kakailanganin mong mag-sign in ulit.
  4. Piliin ang I-uninstall.

Tanggapin o tanggihan ang mga update sa pangalan ng app

Aabisuhan ka ng Google Chrome tungkol sa mga update sa app kapag gustong i-update ng app ang pangalan nito sa ilalim ng icon nito sa iyong screen.

Mapipili mo kung gusto mong tanggapin ang update o i-uninstall ang app.

Mahalaga: Kapag malaki ang pagbabago, tulad ng pagbabago sa pangalan para magmukhang ibang app, posibleng nakakapinsalang pagbabago ito na ginawa ng developer. Kung sa tingin mo ay ganoon ang sitwasyon, i-uninstall ang app.

  • Para tanggapin ang pagbabago: I-click ang OK.
  • Para i-uninstall ang app: I-click ang I-uninstall ang app.

Pamahalaan ang iyong mga app sa Chrome

Gumawa ng mga shortcut para sa mga app

Kung gumagamit ka ng Windows, Mac o Linux, maaari kang gumawa ng mga shortcut upang mas mabilis na mabuksan ang mga app. Puwede mong ilagay ang mga shortcut na ito sa iyong desktop o mga menu.

  1. Sa isang bagong tab, buksan ang chrome://apps.
  2. I-right click ang app na gusto mong gawan ng shortcut.
  3. Piliin ang Gumawa ng shortcut.
  4. Piliin kung saan mo gustong makita ang mga shortcut sa iyong computer.
  5. I-click ang Gumawa.
Magbukas ng mga app kapag nag-sign in ka

Puwede mong i-set up ang iyong mga app para awtomatikong maglunsad kapag nag-sign in ka sa Windows, Mac, o Linux.

  1. Mag-navigate sa chrome://apps.
  2. Para buksan ang menu, mag-right click sa app, tulad ng Google Maps.
  3. Piliin ang Ilunsad sa startup.

Tip: Para i-off ang feature na ito, i-right click ang app at i-deselect ang Ilunsad sa startup.

Pamahalaan ang mga setting ng web app

  1. I-click ang app sa iyong dock o desktop.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas ng window ng app, piliin ang Higit pa .
  3. Piliin ang Impormasyon ng app at pagkatapos Mga Setting.
  4. Piliin ang setting na gusto mong i-update.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
6397088296093098101
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false