Gumamit ng Progressive Web Apps

Ang Progressive Web App (PWA) ay app na binuo para sa web na nagbibigay ng experience na katulad ng sa mobile app. Mabilis ang mga PWA at nag-aalok ang mga ito ng marami sa mga feature na available sa mga mobile device. Halimbawa, puwedeng gumana offline at magpadala ng mga notification ang mga ito.

Puwede mong gamitin ang mga PWA para sa mabilis na experience sa web sa iyong computer o mobile device. Puwede kang mag-install ng PWA para sa mas mabilis na access at karagdagang functionality, gaya ng mas malaking storage para sa content na maba-browse offline.

Tip: Kahit na idinisenyo ang mga PWA para gumana offline, posibleng hindi ganap na gumana ang ilan nang walang koneksyon.

Idagdag sa home screen

Puwede kang magdagdag ng shortcut para sa iyong home screen papunta sa mga website na gusto mo. Posibleng gumana sa ibang paraan ang feature ng PWA batay sa website.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome .
  2. Pumunta sa site na gusto mong idagdag.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng address bar, i-tap ang I-share .
  4. Hanapin at i-tap ang Idagdag sa Home Screen.
  5. Kumpirmahin o i-edit ang mga detalye ng website at i-tap ang Idagdag.

Mga Tip:

  • Kung available ang PWA, bubuksan ng shortcut ang app.
  • Kung hindi available ang PWA, bubukas ang shortcut sa iyong default na browser.

I-delete sa home screen

  1. Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa home screen.
  2. Hanapin ang shortcut na gusto mong i-delete.
  3. Pindutin nang matagal ang shortcut.
  4. I-tap ang I-delete ang Bookmark.
Tip: Kapag na-delete mo na ang isang shortcut, mawawalan ka ng access sa mismong karagdagang functionality at posibleng mag-iba ang gawi ng website. Puwede kang bumalik sa website para idagdag ito ulit kung gusto mong i-restore ang nakaraang gawi.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7009077392834816827
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false