Gumamit ng Progressive Web Apps

Ang Progressive Web App (PWA) ay app na binuo para sa web na nagbibigay ng experience na katulad ng sa mobile app. Mabilis ang mga PWA at nag-aalok ang mga ito ng marami sa mga feature na available sa mga mobile device. Halimbawa, puwedeng gumana offline at magpadala ng mga notification ang mga ito.

Puwede mong gamitin ang mga PWA para sa mabilis na experience sa web sa iyong computer o mobile device. Puwede kang mag-install ng PWA para sa mas mabilis na access at karagdagang functionality, gaya ng mas malaking storage para sa content na maba-browse offline.

Tip: Kahit na idinisenyo ang mga PWA para gumana offline, posibleng hindi ganap na gumana ang ilan nang walang koneksyon.

Mag-install ng PWA

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa website na may PWA na gusto mong i-download.
  3. I-tap ang Install.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-uninstall ng PWA

  1. Mula sa iyong app drawer o home screen, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga App at Notification at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng app.
  3. Hanapin ang PWA na gusto mong alisin at i-tap ang icon nito.
  4. I-tap ang I-uninstall.

Tanggapin o tanggihan ang mga update sa pangalan ng app

Makakatanggap ka ng mga update sa app mula sa Google Chrome kapag gusto ng app na i-update ang pangalan nito sa ibaba ng icon nito sa iyong screen.

Mapipili mo kung gusto mong tanggapin ang update o i-uninstall ang app.

Mahalaga: Kapag malaki ang pagbabago, tulad ng pagbabago sa pangalan para magmukhang ibang app, posibleng nakakapinsalang pagbabago ito na ginawa ng developer. Kung sa tingin mo ay ganoon ang sitwasyon, i-uninstall ang app.

  • Para tanggapin ang pagbabago: I-tap ang OK.
  • Para i-uninstall ang app: I-tap ang I-uninstall ang app at pagkatapos ay I-uninstall at pagkatapos ay OK.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8499938143709864938
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false