I-delete, payagan, at pamahalaan ang cookies sa Chrome

Puwede mong piliing i-delete ang kasalukuyang cookies, payagan o i-block ang third-party na cookies, at itakda ang mga preference para sa ilang partikular na website.

Mahalaga: Kung bahagi ka ng test group na nililimitahan ang third-party na cookies bilang default, posibleng makakita ka ng iba't ibang setting para sa pamamahala ng third-party na cookies. Alamin kung paano pamahalaan ang mga setting ng third-party na cookie para sa mga user ng test group.

Ano ang cookies

Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga website na binibisita mo. Sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon tungkol sa pagbisita mo, pinapadali ng mga ito ang iyong online na experience. Halimbawa, magagawa ng mga site na panatilihin kang naka-sign in, tandaan ang iyong mga preference sa site, at bigyan ka ng content na akma sa lokasyon mo.

May 2 uri ng cookies:

  • First-party na cookies: Ginawa ng site na iyong binibisita. Ipinapakita ang site sa address bar.
  • Third-party na cookies: Ginawa ng iba pang site. Puwedeng mag-embed ng content mula sa iba pang site ang site na binibisita mo, halimbawa, mga larawan, ad, at text. Puwedeng gumamit ng third-party na cookies ang alinman sa mga site na ito para mag-personalize ng content at mga ad, at malaman ang tungkol sa mga aksyong ginagawa mo sa iba pang site

Tip: Posibleng i-prompt ka ng ilang site na tanggapin o tanggihan ang cookies.

May iba pang paraan na puwedeng i-personalize ng mga site ang content at mga ad. Pinapayagan ng mga feature tulad ng mga paksa ng ad at mga ad na iminumungkahi ng site sa Chrome ang mga site na magpakita sa iyo ng naka-personalize na content. Nililimitahan ng mga feature na ito kung ano ang puwedeng malaman ng mga site at ng kanilang mga partner tungkol sa iyo. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga feature na ito.

I-delete ang lahat ng cookies

Kung aalisin mo ang cookies, masa-sign out ka sa mga website at puwedeng ma-delete ang iyong mga naka-save na preference.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at Seguridad at pagkatapos I-delete ang Data mula sa Pag-browse.
  4. Lagyan ng check ang Cookies at Data ng Site.
  5. I-uncheck ang iba pang item.
  6. I-tap ang I-delete ang Data mula sa Pag-browse at pagkatapos I-delete ang Data mula sa Pag-browse.
  7. I-tap ang Tapos na.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
17875106298969928781
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false