I-delete, payagan, at pamahalaan ang cookies sa Chrome

Puwede mong piliing i-delete ang kasalukuyang cookies, payagan o i-block ang lahat ng cookies, at itakda ang mga preference para sa ilang partikular na website.

Mahalaga: Kung bahagi ka ng test group na nililimitahan ang third-party na cookies bilang default, posibleng makakita ka ng iba't ibang setting para sa pamamahala ng third-party na cookies. Alamin kung paano pamahalaan ang mga setting ng third-party na cookie para sa mga user ng test group.

Ano ang cookies

Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga website na binibisita mo. Sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon tungkol sa pagbisita mo, pinapadali ng mga ito ang iyong online na experience. Halimbawa, magagawa ng mga site na panatilihin kang naka-sign in, tandaan ang iyong mga preference sa site, at bigyan ka ng content na akma sa lokasyon mo.

May 2 uri ng cookies:

  • First-party na cookies: Ginawa ng site na iyong binibisita. Ipinapakita ang site sa address bar.
  • Third-party na cookies: Ginawa ng iba pang site. Puwedeng mag-embed ng content mula sa iba pang site ang site na binibisita mo, halimbawa, mga larawan, ad, at text. Puwedeng mag-save ng cookies at iba pang data ang alinman sa iba pang site na ito para i-personalize ang iyong experience.

Tip: Posibleng i-prompt ka ng ilang site na tanggapin o tanggihan ang cookies.

I-delete ang lahat ng cookies

Mahalaga: Kung magde-delete ka ng cookies, posibleng ma-sign out ka sa mga site na natatandaan ka, at posibleng ma-delete ang iyong mga naka-save na preference. Nalalapat ito anumang oras na nag-delete ng cookie.

  1. Sa iyong computer, piliin ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Piliin ang Tingnan ang lahat ng data at pahintulot ng site at pagkatapos I-delete ang lahat ng data.
  5. Para kumpirmahin, piliin ang I-delete.

Mag-delete ng partikular na cookies

Mag-delete ng cookies mula sa isang site
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Piliin ang Tingnan ang lahat ng data at pahintulot ng site.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, hanapin ang pangalan ng website.
  6. Sa kanan ng site, piliin ang I-delete Alisin.
  7. Para kumpirmahin, piliin ang I-delete.
Mag-delete ng cookies mula sa isang partikular na yugto ng panahon
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-delete ang data mula sa pag-browse.
  3. Sa itaas, sa tabi ng "Saklaw na oras," piliin ang dropdown.
  4. Pumili ng panahon, gaya ng nakalipas na oras o nakalipas na araw.
  5. Lagyan ng check ang Cookies at iba pang data ng site.
  6. I-uncheck ang lahat ng iba pang item.
  7. Piliin ang I-delete ang data.

Baguhin ang iyong mga setting ng cookie

Mahalaga: Kung hindi mo papayagan ang mga site na mag-save ng cookies, posibleng hindi gumana ang mga site gaya ng inaasahan. Para mapamahalaan ang cookies ng first-party, matuto pa tungkol sa on-device na data ng site.

Puwede mong payagan o i-block ang cookies para sa anumang site.

Payagan o i-block ang third-party na cookies

Puwede mong payagan o i-block ang third-party na cookies bilang default.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Payagan ang third-party na cookies.
    • I-block ang third-party na cookies sa Incognito mode.
    • I-block ang third-party na cookies.
      • Kung iba-block mo ang third-party na cookies, maba-block ang lahat ng third-party na cookies mula sa iba pang site maliban kung pinapayagan ang site sa iyong listahan ng mga exception.
Payagan ang third-party na cookies para sa isang partikular na site
Mahalaga: Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, posibleng hindi mo mabago ang setting na ito. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa iyong administrator.

Kung iba-block mo ang third-party na cookies bilang default, puwede mo pa ring payagan ang mga ito para sa isang partikular na site.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Sa ilalim ng "Mga site na pinapayagang gumamit ng third-party na cookies," piliin ang Magdagdag.
  5. Ilagay ang address sa web.
    • Para gumawa ng exception para sa isang buong domain, ilagay ang [*.] bago ang domain name. Halimbawa, tutugma ang [*.]google.com sa drive.google.com at sa calendar.google.com.
    • Puwede ka ring maglagay ng IP address o address sa web na hindi nagsisimula sa http://.
  6. Piliin ang Idagdag.

Para mag-alis ng exception na hindi mo na gusto, sa kanan ng website, piliin ang Alisin Alisin.

Pansamantalang payagan ang third-party na cookies para sa isang partikular na site
Kung iba-block o lilimitahan mo ang third-party na cookies, posibleng hindi gumana ang ilang site nang gaya ng inaasahan mo. Puwede mong pansamantalang payagan ang third-party na cookies para sa isang partikular na site na binibisita mo.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar, sa kaliwang bahagi sa itaas:
    • Para payagan ang third-party na cookies: Piliin ang Naka-block ang third-party na cookies o Nililimitahan ang third-party na cookies at i-on ang Third-party na cookies.
    • Para i-block o limitahan ang third-party na cookies: Piliin ang Pinapayagan ang third-party na cookies I-preview at i-off ang Third-party na cookies.
  3. Para isara ang dialog box at i-reload ang page, piliin ang Isara Close. Puwede ka ring pumili sa kahit saan sa labas ng dialog box para isara ito.
  4. Kapag nag-reload na ang page, ipapakita ng address bar ang “Pinapayagan ang third-party na cookies,” “Naka-block ang third-party na cookies,” o “Nililimitahan ang third-party na cookies” depende sa iyong mga setting.

Mga Tip:

  • Pansamantala lang ang opsyong ito at para lang ito sa site kung nasaan ka.
  • Awtomatikong nadaragdag ang mga site sa listahan ng exception.
  • Kung pansamantala mong papayagan ang third-party na cookies sa isang site, malalapat ang setting na iyon sa Incognito mode at hindi mo ito mare-reset mula sa Incognito mode.
Payagan ang magkakaugnay na site na i-access ang iyong aktibidad
Puwedeng tukuyin ng isang kumpanya ang isang grupo ng mga site na nauugnay sa isa't isa. Halimbawa, posibleng gusto ng isang kumpanya na panatilihin kang naka-sign in habang nagpapalipat-lipat ka sa acme-music.example at acme-video.example.
Kung papayagan o lilimitahan mo ang third-party na cookies: Papayagan ang mga kaugnay na site na i-access ang iyong aktibidad para i-personalize ang content o panatilihin kang naka-sign in sa mga site.
Kung iba-block mo ang third-party na cookies: Kadalasang pinipigilan nito ang ganitong uri ng koneksyon sa pagitan ng mga site. Puwede mong i-block ang third-party na cookies habang pinapayagan mo ang mga site na nasa parehong grupo na pagandahin ang iyong experience.
Makikita mo ang kumpletong listahan ng mga kumpanyang tumutukoy ng mga grupo ng magkakaugnay na site sa Github. Matuto pa tungkol sa magkakaugnay na site at third-party na cookies.

Para payagan ang magkakaugnay na site na mahanap ang iyong aktibidad sa grupo:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Piliin ang I-block ang third-party na cookies.
  5. I-on o i-off ang Payagan ang magkakaugnay na site na makita ang iyong aktibidad sa grupo.

Para makita ang magkakaugnay na site na nasa iisang grupo:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies at pagkatapos Tingnan ang lahat ng data at pahintulot ng site.
  4. Pumili ng site.
  5. Para ipakita ang mga site na nasa iisang grupo, piliin ang drop down na arrow Pababang arrow.

Tip: Para makita ang magkakaugnay na site, sa address bar, piliin ang Tingnan ang impormasyon ng site Default (Secure) at pagkatapos Cookies at data ng site at pagkatapos Pamahalaan ang on-device na data ng site.

Tungkol sa naka-embed na content

Puwedeng mag-embed ng content mula sa iba pang site ang mga site na binibisita mo, halimbawa, mga larawan, mga ad, text, at pati mga feature — tulad ng text editor o widget ng lagay ng panahon. Puwedeng humingi ng pahintulot ang iba pang site na ito na gamitin ang impormasyong na-save ng mga ito tungkol sa iyo (madalas na nase-save gamit ang cookies) para gumana nang maayos ang content ng mga ito.

Halimbawa, ipagpalagay na karaniwan kang gumagawa ng mga dokumento sa docs.google.com. Habang nagtatapos ng gawain para sa paaralan, kailangan mong makipag-collaborate sa iba pang mag-aaral sa class portal ng iyong paaralan na nag-aalok ng direktang access sa Google Docs. Kung papahintulutan mo:

  • Maa-access ng Google Docs ang third-party na cookies nito habang ginagamit mo ang site ng iyong paaralan, na nagbibigay-daan sa koneksyon sa pagitan ng site at Google Docs.
  • Posibleng pahintulutan nito ang Google Docs na i-verify kung sino ka, hanapin ang iyong impormasyon, at i-save ang mga pagbabagong gagawin mo sa iyong mga dokumento sa site.

Sa ilang sitwasyon, puwedeng gamitin ang impormasyong ito para subaybayan ang iyong aktibidad habang nagba-browse ka ng mga site. Bilang feature sa privacy, makakapagpasya ka kung kailan papayagan ang naka-embed na content na i-access ang iyong data para sa mga site na pinagkakatiwalaan mo.

Tip: Gumagamit ang koneksyon ng cookies at tumatagal ito nang 30 araw o hangga't aktibo ka. Puwede mong hindi na payagan ang koneksyon anumang oras sa Mga Setting.

Para payagan o tanggihan ang pahintulot

Kapag nag-browse ka ng site na nagpapakita ng prompt na nagre-request ng pahintulot para gamitin ng naka-embed na content ang impormasyong na-save nito tungkol sa iyo:

  • Piliin ang Payagan para bigyan ang site ng access sa impormasyong na-save nito tungkol sa iyo (gamit ang cookies)
  • Piliin ang Huwag payagan para hindi magbigay ng access

Mga Tip:

Pamahalaan ang mga setting ng third-party na cookie para sa mga user ng test group

Para sa isang partikular na grupo ng mga user, sinusubukan ng Google ang mga feature sa Chrome na lubos na naglilimita sa mga site mula sa paggamit ng third-party na cookies para subaybayan ka habang nagba-browse. Kung bahagi ka ng test group, nililimitahan ang third-party na cookies bilang default maliban kung saan nire-require ang mga ito para gumana ang mga basic na serbisyo ng website.

Kung pipiliin mong gawin ito, puwede mong tuluyang i-block ang third-party na cookies sa iyong mga setting. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga preference sa third-party na cookie sa mga setting ng “Privacy at Seguridad” mo.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. Piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Puwede mo ring piliin ang mga advanced na proteksyon sa privacy:
    • I-block ang lahat ng third-party na cookies: Kapag in-on mo ito, posibleng hindi gumana ang mga feature sa ilang site. Bina-block ng Chrome ang lahat ng third-party na cookies mula sa mga site na binibisita mo, kabilang ang mga magkakaugnay na site.
    • Magpadala ng request na “Do not track” kasama ng iyong trapiko ng pag-browse: Kapag in-on mo ito, ire-request mo na huwag kang i-track ng mga site. Gumagamit ang mga site ng sariling paghuhusga kung susundin ang request. Matuto pa tungkol sa "Do Not Track".
    • Piliin kung aling mga site ang papayagan mong gumamit ng third-party na cookies: Puwede mo ring tingnan at i-edit kung aling mga site ang pinapayagan mong gumamit ng third party na cookies sa ilalim ng “Mga site na pinapayagang gumamit ng third-party na cookies.” Alamin kung paano payagan ang third-party na cookies.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
17667654391982224230
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false