I-delete, payagan, at pamahalaan ang cookies sa Chrome

Puwede mong piliing i-delete ang kasalukuyang cookies, payagan o i-block ang lahat ng cookies, at magtakda ng mga preference para sa ilang partikular na website.

Mahalaga: Kung bahagi ka ng test group para sa Proteksyon sa Pag-track, may makikita kang bagong setting ng Chrome para sa pamamahala ng third-party na cookies na tinatawag na "Proteksyon sa Pag-track." Matuto pa tungkol sa Proteksyon sa Pag-track.

Ano ang cookies

Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga website na binibisita mo. Sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon tungkol sa pagbisita mo, pinapadali ng mga ito ang iyong online na experience. Halimbawa, magagawa ng mga site na panatilihin kang naka-sign in, tandaan ang iyong mga preference sa site, at bigyan ka ng content na akma sa lokasyon mo.

May 2 uri ng cookies:

  • First-party na cookies: Ginawa ng site na iyong binibisita. Ipinapakita ang site sa address bar.
  • Third-party na cookies: Ginawa ng iba pang site. Puwedeng mag-embed ng content mula sa iba pang site ang site na binibisita mo, halimbawa, mga larawan, ad, at text. Puwedeng mag-save ng cookies at iba pang data ang alinman sa iba pang site na ito para i-personalize ang iyong experience.

I-delete ang lahat ng cookies

Mahalaga: Kung magde-delete ka ng cookies, posibleng ma-sign out ka sa mga site na natatandaan ka, at posibleng ma-delete ang iyong mga naka-save na preference. Nalalapat ito anumang oras na nag-delete ng cookie.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos I-clear ang data mula sa pag-browse.
  4. Pumili ng saklaw ng panahon, tulad ng Nakaraang oras o Lahat ng oras.
  5. Lagyan ng check ang Cookies at data ng site at i-uncheck ang lahat ng iba pang item.
  6. I-tap ang I-clear ang data at pagkatapos I-clear.
Mag-delete ng cookies mula sa isang site
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa isang website.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Impormasyon ng page Default (Secure) at pagkatapos ay Cookies at data ng site.
  4. Sa tabi ng bilang ng cookies na ginagamit, i-tap ang I-delete Alisin.
Payagan o i-block ang third-party na cookies
Mahalaga: Kung hindi mo papayagan ang mga site na mag-save ng cookies, posibleng hindi gumana ang mga site gaya ng inaasahan mo. Para mapamahalaan ang first-party na cookies, matuto pa tungkol sa on-device na data ng site.
Puwede mong payagan o i-block ang third-party na cookies para sa anumang site:
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga setting ng site at pagkatapos Third-party na cookies.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Payagan ang third-party na cookies.
    • I-block ang third-party na cookies sa Incognito.
    • I-block ang third-party na cookies.
      • Kung iba-block mo ang third-party na cookies, maba-block ang lahat ng third-party na cookies mula sa iba pang site maliban kung pinapayagan ang site sa iyong listahan ng mga exception.
Payagan ang third-party na cookies para sa isang partikular na site

Kung iba-block mo ang third-party na cookies bilang default, puwede mo pa ring payagan ang mga ito para sa isang partikular na site.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies.
    • Tip: Kung bahagi ka ng test group para sa Proteksyon sa Pag-track, piliin na lang ang Proteksyon sa Pag-track.
  4. I-tap ang + MAGDAGDAG NG EXCEPTION SA SITE
  5. Ilagay ang address sa web.
    • Para gumawa ng exception para sa isang buong domain, ilagay ang [*.] bago ang domain name. Halimbawa, tutugma ang [*.]google.com sa drive.google.com at sa calendar.google.com.
    • Puwede ka ring maglagay ng IP address o address sa web na hindi nagsisimula sa http://.
  6. I-tap ang Idagdag.
Para mag-alis ng exception na ayaw mo na, i-tap ang exception at i-tap ang Alisin.
Pansamantalang payagan ang third-party na cookies para sa isang partikular na site
Kung iba-block mo ang third-party na cookies, posibleng hindi gumana ang ilang site nang gaya ng inaasahan mo. Puwede mong pansamantalang payagan ang third-party na cookies para sa isang partikular na site na binibisita mo.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa address bar sa itaas:
    • Para payagan ang third-party na cookies: Piliin ang Impormasyon ng page Default (Secure) at pagkatapos Cookies at data ng site at i-on ang Third-party na cookies.
    • Para i-block ang third-party na cookies: Piliin ang Impormasyon ng page Default (Secure) at pagkatapos Cookies at data ng site at i-off ang Third-party na cookies.

Mga Tip:

  • Pansamantala lang ang opsyong ito at para lang ito sa site kung nasaan ka.
  • Awtomatikong nadaragdag ang mga site sa listahan ng exception.
  • Kung pansamantala mong papayagan ang third-party na cookies sa isang site, malalapat ang setting na iyon sa Incognito mode at hindi mo ito mare-reset mula sa Incognito mode.
Payagan ang magkakaugnay na site na i-access ang iyong aktibidad

Puwedeng tukuyin ng isang kumpanya ang isang grupo ng mga site na nauugnay sa isa't isa. Halimbawa, posibleng gusto ng isang kumpanya na panatilihin kang naka-sign in habang nagpapalipat-lipat ka sa acme-music.example at acme-video.example.

Kung papayagan mo ang third-party na cookies: Pinapayagan ang magkakaugnay na site na i-access ang iyong aktibidad para i-personalize ang content o panatilihin kang naka-sign in sa mga site.

Kung iba-block mo ang third-party na cookies: Kadalasang pinipigilan nito ang ganitong uri ng koneksyon sa pagitan ng mga site. Puwede mong i-block ang third-party na cookies habang pinapayagan mo ang mga site na nasa parehong grupo na pagandahin ang iyong experience.

Makikita mo ang kumpletong listahan ng mga kumpanyang tumutukoy ng mga grupo ng magkakaugnay na site sa Github. Matuto pa tungkol sa magkakaugnay na site at third-party na cookies.

Mahalaga: Kung pipiliin mo ang “Payagan ang third-party na cookies,” puwedeng i-share ng isang grupo ng magkakaugnay na site ang iyong aktibidad sa grupo bilang default.

Para payagan ang magkakaugnay na site na makita ang iyong aktibidad sa grupo:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos Third-party na cookies at pagkatapos I-block ang third-party na cookies.
  4. I-on o i-off ang Payagan ang magkakaugnay na site na makita ang iyong aktibidad sa grupo.

Para makita ang magkakaugnay na site na nasa iisang grupo:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga setting ng site at pagkatapos Lahat ng site.
  4. Pumili ng site.
  5. Sa ilalim ng “Magkakaugnay na site,” humanap ng mga site na nasa iisang grupo.

Pamahalaan ang iyong mga proteksyon sa pag-track

Kapag naka-on, lubos na nililimitahan ng Proteksyon sa Pag-track ang mga site sa paggamit ng third-party na cookies para i-track ka habang nagba-browse ka, maliban sa mga limitadong sitwasyon para payagang gumana ang mga pangunahing serbisyo. Kung pipiliin mong gawin ito, puwede mong tuluyang i-block ang third-party na cookies sa iyong mga setting. Mapapamahalaan mo ang iyong mga preference sa Proteksyon sa Pag-track sa mga setting mo ng “Privacy at Seguridad.”

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos Proteksyon sa Pag-track.
  4. Para i-customize ang iyong mga proteksyon sa pag-track, magagawa mo ang mga sumusunod:
    • I-block ang lahat ng third-party na cookies: Kapag in-on mo ito, posibleng hindi gumana ang mga feature sa ilang site. Bina-block ng Chrome ang lahat ng third-party na cookies mula sa mga site na binibisita mo, kabilang ang mga magkakaugnay na site.
    • Magpadala ng request na “Do not track” kasama ng iyong trapiko ng pag-browse: Kapag in-on mo ito, ire-request mo na huwag kang i-track ng mga site. Gumagamit ang mga site ng sariling paghuhusga kung susundin ang request. Matuto pa tungkol sa "Do Not Track".
    • Piliin kung aling mga site ang papayagan mong gumamit ng third-party na cookies: Puwede mo ring matingnan at ma-edit kung aling mga site ang papayagan mong gumamit ng third party na cookies sa ilalim ng “Mga site na pinapayagang gumamit ng third-party na cookies.” Alamin kung paano payagan ang third-party na cookies.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3877036355041080267
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false