I-clear, i-enable, at pamahalaan ang cookies sa Chrome

Magagawa mong i-delete ang kasalukuyang cookies, payagan o i-block ang lahat ng cookies, at magtakda ng mga kagustuhan para sa ilang partikular na website.

Ano ang cookies

Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga website na binibisita mo. Pinapadali ng mga ito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon sa pag-browse. Sa pamamagitan ng cookies, nagagawa ng mga site na panatilihin kang naka-sign in, tandaan ang iyong mga kagustuhan sa site, at magbigay sa iyo ng content na may lokal na kaugnayan.

May dalawang uri ng cookies:

  • Ginagawa ng site na iyong binibisita ang first-party na cookies. Ipinapakita ang site sa address bar.
  • Ginagawa ng iba pang site ang third-party na cookies. Pagmamay-ari ng mga site na ito ang ilan sa content, tulad ng mga ad o larawan, na nakikita mo sa webpage na iyong binibisita.

I-clear ang lahat ng cookies

Kung aalisin mo ang cookies, masa-sign out ka sa mga website at maaaring ma-delete ang iyong mga naka-save na kagustuhan.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Cookies at iba pang data ng site.
  4. I-click ang Tingnan ang lahat ng cookies at data ng site at pagkatapos Alisin lahat.
  5. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-click sa I-clear lahat.

Mag-delete ng partikular na cookies

Mag-delete ng cookies mula sa isang site
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Cookies at iba pang data ng site.
  4. I-click ang Tingnan ang lahat ng cookies at data ng site.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, hanapin ang pangalan ng website.
  6. Sa kanang bahagi ng site, i-click ang Alisin Alisin.
Mag-delete ng cookies mula sa isang partikular na yugto ng panahon
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa.
  3. I-click ang Higit pang tool at pagkatapos I-clear ang data mula sa pag-browse.
  4. Sa itaas, i-click ang dropdown sa tabi ng "Sakop na panahon."
  5. Pumili ng yugto ng panahon, gaya ng nakalipas na oras o nakalipas na araw.
  6. Lagyan ng check ang "Cookies at iba pang data ng site." I-uncheck ang lahat ng iba pang item.
  7. I-click ang I-clear ang data.

Baguhin ang mga setting ng iyong cookies

Maaari mong payagan o i-block ang cookies na na-save ng mga website.

Tandaan: Kung hindi mo papayagan ang mga site na mag-save ng cookies, hindi gagana ang karamihan sa mga site na humihiling sa iyo na mag-sign in.

Payagan o i-block ang cookies

Puwede mong i-block o payagan ang lahat ng cookies bilang default. Puwede mo ring payagan ang cookies mula sa isang partikular na site, habang bina-block ang third-party na cookies sa mga ad o larawan sa webpage na iyon. 

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Cookies at iba pang data ng site.
  4. Pumili ng opsyon:
    • “Payagan ang lahat ng cookies”
    • "I-block ang lahat ng cookies (hindi inirerekomenda)”.
    • "I-block ang third party na cookies sa Incognito"
    • "I-block ang third-party na cookies." 

Mahalaga: Kung iba-block mo ang third-party na cookies, maba-block ang lahat ng cookies at data ng site mula sa iba pang site, kahit na pinapayagan ang site sa iyong listahan ng mga exception.

Payagan o i-block ang cookies para sa isang partikular na site

Kung papayagan mo ang cookies bilang default, maaari mo pa ring i-block ang mga ito para sa ilang partikular na site.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Cookies at iba pang data ng site. 
  4. Sa tabi ng "Mga site na puwedeng gumamit ng cookies anumang oras" "Palaging i-clear ang cookies kapag isinara ang mga window," o "Mga site na hindi kailanman puwedeng gumamit ng cookies," i-click ang Magdagdag
  5. Ilagay ang address sa web.
    • Upang gumawa ng exception para sa isang buong domain, ilagay ang [*.] bago ang domain name. Halimbawa, tutugma ang [*.]google.com sa drive.google.com at sa calendar.google.com.
    • Puwede ka ring maglagay ng IP address o address sa web na hindi nagsisimula sa http.
  6. Piliin ang Idagdag.

Para mag-alis ng exception na hindi mo na gusto, sa kanan ng website, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Alisin.

Tandaan: Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, posibleng hindi mo mabago ang setting na ito. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa iyong administrator.

Mag-delete ng cookies pagkatapos mong isara ang Chrome

Puwede mong hayaan ang mga site na tandaan ang impormasyon habang nagba-browse ka, pero awtomatikong i-delete ang cookies kapag isinara mo ang Chrome.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Cookies at iba pang data ng site
  4. I-on ang I-clear ang cookie at data ng site kapag isinara mo ang lahat ng window.
    • Kung naka-sync ka sa Chrome, mapo-pause ang pag-sync kapag umalis ka sa iyong session ng pag-browse sa Chrome.

Mga kaugnay na artikulo

false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
237
false