Suriin kung secure ang koneksyon ng isang site

Tinutulungan ka ng Chrome na mas secure na mag-browse sa pamamagitan ng pag-aalerto sa iyo kapag nakaka-detect ito ng site na posibleng hindi ligtas na bisitahin. Kapag posibleng hindi ligtas ang isang site, binabago ng Chrome ang icon sa tabi ng address ng site.

Tingnan ang impormasyon ng site

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Magbukas ng web page.
  3. Para suriin ang seguridad ng isang site, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Impormasyon ng site .
  4. Para malaman pa ang tungkol sa impormasyon sa seguridad ng site, i-tap ang Koneksyon.
  5. Para malaman pa ang tungkol sa source at iba pang pananaw sa mga paksa ng page, i-tap ang Tungkol sa page na ito .

Alamin pa ang Tungkol sa page na ito.

Mga Tip:

  • Kung gusto mong tanungin ka ng Chrome bago ka gumamit ng hindi secure na koneksyon, i-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon. Matuto pa tungkol sa Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon.
  • Kapag naka-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon, kung hindi sinusuportahan ng site ang HTTPS, magpapakita ang Chrome ng babalang “Hindi secure ang koneksyon.”

Alamin kung ano ang ibig sabihin ng bawat simbolo ng seguridad

Tinutukoy ng mga simbolong ito kung secure at pribadong nakakonekta ang Chrome sa isang site o hindi.

Default (Secure)

Pribado ang ipinapadala o nakukuha mong impormasyon sa site.

Kahit sa mga secure na site, ingatan ang iyong personal na impormasyon. Para tiyaking nasa tamang site ka, tingnan ang pangalan ng site sa address bar.

Hindi secure o Mapanganib

Huwag maglagay ng anumang personal na impormasyon sa page na ito. Kung posible, huwag gamitin ang site.

Hindi secure: Magpatuloy nang may pag-iingat. Hindi pribado ang koneksyon ng site. Puwedeng may makahanap ng impormasyong ipinapadala at nakukuha mo sa site na ito.

Mapanganib: Huwag gamitin ang site na ito. Kung makakatanggap ka ng pulang screen ng babala sa buong page, na-flag ang site bilang hindi ligtas ng Ligtas na Pag-browse sa Google. Nagbabanta ang site sa iyong privacy at seguridad na puwedeng abusuhin ang anumang impormasyon matatanggap nito, at puwede itong mag-install ng mapanganib na software.

Lutasin ang mga isyu sa koneksyon

Ayusin ang error na "Hindi pribado ang iyong koneksyon"
Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error sa buong page na nagsasabing "Hindi pribado ang iyong koneksyon," may problema sa site, network, o device mo. Matuto pa tungkol sa kung paano ayusin ang mga karaniwang mensahe ng error sa Chrome.

Tungkol sa page na ito

Kapag pinili mo ang Tungkol sa page na ito, makikita mo ang impormasyon tungkol sa source, mga paksa ng page, at mga larawan sa page. Depende sa available na impormasyon, posibleng kabilang dito ang:

  • Mga resulta sa web tungkol sa source.
  • Sa sarili nilang mga salita: Paglalarawan ng source ayon sa pagkatawan dito ng site mismo.
  • Kung kailan unang na-index ng Google ang site. Matuto pa tungkol sa web page.

Tip: Kung hingi mo mahanap ang Tungkol sa page sa ito , tingnan kung:

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
1007557480565146120
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false