Tinutulungan ka ng Chrome na mas secure na mag-browse sa pamamagitan ng pag-aalerto sa iyo kapag nakaka-detect ito ng site na posibleng hindi ligtas na bisitahin. Kapag posibleng hindi ligtas ang isang site, binabago ng Chrome ang icon sa tabi ng address ng site.
Tingnan ang impormasyon ng site
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Magbukas ng web page.
- Para makita ang seguridad ng isang site, sa kaliwa ng address sa web, tingnan ang simbolo ng status ng seguridad:
Default (Secure)
Impormasyon o Hindi secure
Hindi secure o Mapanganib
- Para makakita ng buod ng privacy ng site, cookies at data ng site, mga setting ng site, at impormasyon tungkol sa page, piliin ang icon.
- Para malaman pa ang tungkol sa source at iba pang pananaw sa mga paksa ng page, piliin ang Tungkol sa page na ito
.
Alamin pa ang Tungkol sa page na ito.
Mga Tip:
- Kung gusto mong tanungin ka ng Chrome bago ka gumamit ng hindi secure na koneksyon, i-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon. Matuto pa tungkol sa Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon.
- Kapag naka-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon, kung hindi sinusuportahan ng site ang HTTPS, magpapakita ang Chrome ng babalang "Hindi secure ang iyong koneksyon sa site na ito."
Ang ibig sabihin ng bawat simbolo ng seguridad
Tinutukoy ng mga simbolong ito kung secure at pribadong nakakonekta ang Chrome sa isang site o hindi.
Pribado ang ipinapadala o nakukuha mong impormasyon sa site.
Kahit sa mga secure na site, ingatan ang iyong personal na impormasyon. Para tiyaking nasa tamang site ka, tingnan ang pangalan ng site sa address bar.
Hindi gumagamit ang site ng pribadong koneksyon. Posibleng matingnan at mabago ng isang tao ang impormasyong ipinapadala at nakukuha mo sa site na ito.
Para malutas ang isyung ito, dapat na i-secure ng may-ari ng site ang site at ang iyong data gamit ang HTTPS.
Huwag maglagay ng anumang personal na impormasyon sa page na ito. Kung posible, huwag gamitin ang site.
Hindi secure: Magpatuloy nang may pag-iingat. Hindi pribado ang koneksyon ng site. Puwedeng may makahanap ng impormasyong ipinapadala o nakukuha mo sa site na ito.
Mapanganib: Huwag gamitin ang site na ito. Kung makakatanggap ka ng pulang screen ng babala sa buong page, na-flag ang site bilang hindi ligtas ng Ligtas na Pag-browse sa Google. Nagbabanta ang site sa iyong privacy at seguridad na puwedeng abusuhin ang anumang impormasyon matatanggap nito, at puwede itong mag-install ng mapanganib na software.
Lutasin ang mga isyu sa seguridad at koneksyon
Ayusin ang error na "Hindi pribado ang iyong koneksyon"Ang Chrome ay nag-o-authenticate at nagse-secure ng mga HTTPS na koneksyon gamit ang mga certificate ng website. Ie-encrypt ng mga certificate na ito ang link sa pagitan ng isang site at iyong browser.
Nakalista sa Chrome Root Program ang mga root certificate na pinagkakatiwalaan ng Chrome para mag-authenticate ng mga HTTPS na site. Matuto pa tungkol sa Chrome Root Program.
Magdaragdag ang Chrome ng mga custom na root certificate mula sa mga certificate na ginagamit ng operating system ng iyong computer. Para suriin ang mga certificate sa iyong device:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Piliin ang Privacy at seguridad
Seguridad.
- Sa ilalim ng "Advanced," piliin ang Pamahalaan ang mga certificate.
Tungkol sa page na ito
Kapag pinili mo ang Tungkol sa page na ito, makikita mo ang impormasyon tungkol sa source, mga paksa ng page, at mga larawan sa page. Depende sa available na impormasyon, posibleng kabilang dito ang:
- Mga resulta sa web tungkol sa source.
- Sa sarili nilang mga salita: Paglalarawan ng source ayon sa pagkatawan dito ng site mismo.
- Kung kailan unang na-index ng Google ang site. Matuto pa tungkol sa web page.
Tip: Kung hingi mo mahanap ang Tungkol sa page sa ito , tingnan kung:
- Naka-on ang Pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse. Alamin kung paano baguhin ang iyong mga setting ng Pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse.
- Google ang iyong default na search engine. Alamin kung paano magtakda ng default na search engine at mga shortcut sa paghahanap sa site.