Tinutulungan ka ng Chrome na mas secure na mag-browse sa pamamagitan ng pag-aalerto sa iyo kapag nakaka-detect ito ng site na posibleng hindi ligtas na bisitahin. Kapag posibleng hindi ligtas ang isang site, binabago ng Chrome ang icon sa tabi ng address ng site.
Tingnan ang impormasyon ng site
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Magbukas ng web page.
- Para makita ang seguridad ng isang site, sa kaliwa ng address sa web, tingnan ang simbolo ng status ng seguridad:
Default (Secure)
Impormasyon o Hindi secure
Hindi secure o Mapanganib
- Para makakita ng buod ng mga detalye ng privacy ng site, cookies at data ng site, mga pahintulot, history ng mga pagbisita, at impormasyon tungkol sa page, piliin ang icon.
- Para malaman pa ang tungkol sa source at iba pang pananaw sa mga paksa ng page, piliin ang Tungkol sa page na ito
.
Alamin pa ang Tungkol sa page na ito.
Mga Tip:
- Kung gusto mong tanungin ka ng Chrome bago ka gumamit ng hindi secure na koneksyon, i-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon.
- Kapag naka-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon, kung hindi sinusuportahan ng isang site ang HTTPS, magpapakita ang Chrome ng babalang “Hindi secure ang koneksyon.” Alamin pa ang tungkol sa Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon.
Ang ibig sabihin ng bawat simbolo ng seguridad
Tinutukoy ng mga simbolong ito kung secure at pribadong nakakonekta ang Chrome sa isang site o hindi.
Pribado sa pagitan ninyo ng site ang ipinapadala o nakukuha mong impormasyon sa site.
Kahit kapag secure na nakakonekta sa isang site, palaging mag-ingat kapag nagshe-share ka ng sensitibo o personal na impormasyon. Tingnan ang pangalan ng site sa address bar para matiyak na nasa site ka na gusto mong bisitahin.
Hindi gumagamit ang site ng pribadong koneksyon. Posibleng matingnan o mabago ng isang tao ang impormasyong ipinapadala o nakukuha mo sa site na ito.
Para malutas ang isyung ito, dapat na i-secure ng may-ari ng site ang site at ang iyong data gamit ang HTTPS.
Iminumungkahi namin na huwag kang maglagay ng anumang pribado o personal na impormasyon sa page na ito. Kung maaari, huwag gamitin ang site.
Hindi secure: Magpatuloy nang may pag-iingat. May problema sa privacy ng koneksyon ng site na ito. Posibleng may makahanap sa impormasyong ipinapadala o nakukuha mo sa site na ito.
Mapanganib: Huwag gamitin ang site na ito. Kung makakatanggap ka ng pulang screen ng babala sa buong page, na-flag ng Ligtas na Pag-browse bilang hindi ligtas ang site. Puwedeng gamitin sa maling paraan o abusuhin ng site ang anumang impormasyong matatanggap nito, at puwedeng potensyal nitong subukang mag-install ng mapaminsalang software sa iyong computer. Kapag ginamit mo ang site na ito, inilalagay nito sa panganib ang iyong privacy at seguridad.
Lutasin ang mga isyu sa koneksyon
Ayusin ang error na "Hindi pribado ang iyong koneksyon"Tungkol sa page na ito
Kapag pinili mo ang Tungkol sa page na ito, makikita mo ang impormasyon tungkol sa source, mga paksa ng page, at mga larawan sa page. Depende sa available na impormasyon, posibleng kabilang dito ang:
- Mga resulta sa web tungkol sa source.
- Sa sarili nilang mga salita: Paglalarawan ng source ayon sa pagkatawan dito ng site mismo.
- Kung kailan unang na-index ng Google ang site. Matuto pa tungkol sa web page.
Tip: Kung hingi mo mahanap ang Tungkol sa page sa ito , tingnan kung:
- Naka-on ang Pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse. Alamin kung paano baguhin ang iyong mga setting ng Pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse.
- Google ang iyong default na search engine. Alamin kung paano magtakda ng default na search engine at mga shortcut sa paghahanap sa site.