Pamahalaan ang mga password sa Chrome

Puwedeng i-save ng Chrome ang iyong mga password para sa iba't ibang site.

Nakadepende ang paraan ng Chrome sa pag-save ng iyong mga password sa kung gusto mong i-store at gamitin ang mga ito sa lahat ng device. Kapag naka-sign in ka sa Chrome, puwede mong i-save ang iyong mga password sa Google Account mo. Magagamit mo ang mga password sa Chrome sa lahat ng iyong device at sa ilang app sa mga device mo.

Kung ayaw mo itong gawin, puwede kang lokal na mag-store ng mga password sa iyong computer lang.

Mapapamahalaan mo ang mga password na naka-save sa iyong Google Account sa passwords.google.com.

Matuto pa tungkol sa on-device na pag-encrypt para sa mga password.

Pamahalaan ang mga bagong password

Awtomatikong mag-save o mag-preview ng bagong password

Kung maglalagay ka ng bagong password sa isang site, hihilingin ng Chrome na i-save ito. Para tanggapin, piliin ang I-save.

  • Para suriin ang password na ise-save, piliin ang I-preview I-preview.
  • Kung maraming password sa page, piliin ang Pababang arrow Pababang arrow. Piliin ang password na gusto mong i-save.
  • Kung blangko o mali ang iyong username, piliin ang text box sa tabi ng "Username." Ilagay ang username na gusto mong ma-save.
  • Kung gusto mong mag-save ng ibang password, piliin ang text box sa tabi ng "Password." Ilagay ang password na gusto mong ma-save.
Manual na magdagdag ng bagong password
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Piliin ang Idagdag.
  4. Maglagay ng website, username, at password.
  5. Piliin ang I-save.
Simulan o ihinto ang pag-save ng mga password

Bilang default, mag-aalok ang Chrome na i-save ang iyong password. Puwede mong i-off o i-on ang opsyong ito anumang oras.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile Profile at pagkatapos Mga Password Mga Password.
    • Kung hindi mo makita ang icon ng Mga Password, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting.
  4. I-on o i-off ang Mag-alok na i-save ang mga password at passkey.
Tingnan o alisin ang mga site na hindi nagse-save ng mga password

Kung pipiliin mong hindi mag-save ng mga password para sa site o app, sa mga setting, mapapamahalaan mo ang mga ito mula sa "Mga tinanggihang site at app."

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Piliin ang Mga Setting.
  4. Sa ilalim ng "Mga tinanggihang site at app," alisin ang site.

Pamahalaan ang mga naka-save na password

Mag-sign in gamit ang isang naka-save na password
Kung na-save mo ang iyong password sa Chrome noong bumisita ka dati sa isang website, matutulungan ka ng Chrome na mag-sign in.
  1. Sa iyong computer, pumunta sa isang site na nabisita mo na dati.
  2. Pumunta sa form sa pag-sign in ng site.
    • Kung nag-save ka ng isang username at password para sa site: Awtomatikong pupunan ng Chrome ang form sa pag-sign in.
    • Kung nag-save ka ng mahigit sa isang username at password: Piliin ang field ng username at piliin ang impormasyon sa pag-sign in na gusto mong gamitin.
Magdagdag ng mga tala sa iyong naka-save na password
Puwede kang magdagdag ng mga tala sa naka-save na password para matulungan kang matandaan ang impormasyon tungkol sa isang account o para makapag-save ng mga detalye sa pag-log in. Kapag nagdagdag ka ng tala, mayroon itong parehong proteksyon sa seguridad gaya ng password.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit paat pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Sa ilalim ng "Mga Password," piliin ang password kung saan mo gustong magdagdag ng tala.
  4. Piliin ang I-edit.
  5. Ilagay ang iyong tala.
  6. Kapag tapos ka na, piliin ang I-save.
Magpakita, mag-edit, mag-delete, o mag-export ng mga naka-save na password
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile Profile at pagkatapos Mga Password Mga Password.
    • Kung hindi mo makita ang icon ng Mga Password, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Magpakita, mag-edit, mag-delete, o mag-export ng password:
    • Magpakita:
      1. Sa ilalim ng “Mga Password,” piliin ang password.
      2. Sa kanang bahagi ng iyong password, piliin ang Ipakita ang password I-preview.
    • I-edit:
      1. Sa ilalim ng “Mga Password,” piliin ang password.
      2. Piliin ang I-edit.
      3. I-edit ang iyong password.
      4. Piliin ang I-save.
    • I-delete:
      1. Sa ilalim ng “Mga Password,” piliin ang password.
      2. Piliin ang I-delete.
    • I-export:
      1. Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting.
      2. Sa kanang bahagi ng "I-export ang Mga Password," piliin ang I-download ang file.

Tip: Para i-delete ang lahat ng iyong naka-save na password, matutunan kung paano i-delete ang data mula sa pag-browse sa Chrome.

Tingnan kung may mga nakompromisong password

Puwede mong tingnan ang lahat ng iyong naka-save na password nang sabay-sabay para malaman kung na-expose ang mga ito sa isang paglabag sa data o kung posibleng mahina at madaling hulaan ang mga ito.

Para masuri ang iyong mga naka-save na password:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile Profile at pagkatapos Mga Password Mga Password.
    • Kung hindi mo makita ang icon ng Mga Password, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Sa kaliwa, piliin ang Checkup .

Makakakuha ka ng mga detalye sa anumang password na na-expose sa isang breach sa data at anumang mahina at madaling mahulaang password.

Alamin kung ano ang magagawa mo sa iyong mga password

Gumamit ng pag-authenticate gamit ang biometric sa mga password

Kapag naka-on ang pag-authenticate gamit ang biometric, puwede mong gamitin ang sensor para sa fingerprint ng iyong device para mapaigting ang privacy kapag nag-o-autofill ka ng mga password. Magagamit mo rin ang pag-authenticate gamit ang biometric para ibunyag, kopyahin, o i-edit ang iyong mga password.

Mahalaga: Bilang default, naka-off ang pag-authenticate gamit ang biometric.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Piliin ang Mga Setting.
  4. Para i-on ang pag-authenticate gamit ang biometric:
    • Sa PC: I-on ang Gamitin ang Windows Hello kapag pinupunan ang mga password.
    • Sa Mac: I-on ang Use your screen lock when filling passwords.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen para makumpirma ang iyong napili.
I-share ang iyong password

Mahalaga:

Para secure na mag-share ng kopya ng iyong naka-save na password sa isang miyembro ng pamilya:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Sa ilalim ng "Mga Password," piliin ang password na gusto mong i-share.
  4. Piliin ang I-share.
  5. Piliin ang miyembro o mga miyembro ng pamilya kung kanino mo gustong i-share ang password.
  6. Piliin ang I-share at pagkatapos Tapos na.
    • Mase-save ang password sa Google Account ng receiver at magiging available ito para sa autofill.
Awtomatikong mag-sign in sa mga site at app

Awtomatiko kang makaka-sign in sa anumang site at app kung saan ka nag-save ng iyong impormasyon gamit ang "Awtomatikong mag-sign in." Kapag in-on mo ang "Awtomatikong mag-sign in," hindi mo kailangang kumpirmahin ang iyong username, password, o mga kredensyal sa third-party na pag-sign in.

Kung gusto mong kumpirmahin ang iyong naka-save na impormasyon kapag nag-sign in ka, puwede mong i-off ang "Awtomatikong mag-sign in."
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile Profile at pagkatapos Mga Password Mga Password.
    • Kung hindi mo makita ang iyong Google Account, alamin kung paano i-on ang pag-sync sa Chrome.
    • Kung hindi mo makita ang icon ng Mga Password, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa ​​​​​at pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting.
  4. I-on o i-off ang Awtomatikong mag-sign in.

Mga Tip:

  • Kung gagamit ka ng serbisyo para sa pagkakakilanlan, dapat parehong sinusuportahan ng serbisyo para sa pagkakakilanlan at ng site ang "Awtomatikong mag-sign in" para gumana ito. Matuto pa tungkol sa third-party na pag-sign in.
  • Kung na-dismiss mo kamakailan ang prompt para awtomatikong mag-sign in, posibleng ma-off ito nang pansamantala.
Idagdag ang Google Password Manager sa iyong home screen

Para sa mabilis na pag-access, puwede mong idagdag ang Google Password Manager bilang isang shortcut.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit paat pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting at pagkatapos Magdagdag ng shortcut.
  4. Piliin ang I-install.
Matuto pa tungkol sa paggamit ng Mga Progressive Web App.
Pamahalaan ang mga alerto sa pagpapalit ng password

Posibleng makatanggap ka ng alerto mula sa Chrome kung gagamit ka ng kumbinasyon ng password at username na nakompromiso sa pag-leak ng data sa isang third-party na website o app. Hindi ligtas ang mga kumbinasyon ng nakompromisong password at username dahil na-publish na ang mga ito online.

Inirerekomenda naming palitan mo ang anumang nakompromisong password sa lalong madaling panahon. Puwede mong sundin ang mga tagubilin sa Chrome para palitan ang iyong password sa site kung saan mo ginamit ang password na iyon, at tingnan ang iyong mga naka-save na password para sa anupamang site kung saan posibleng naka-save ang password.

Tinitiyak ng Chrome na protektado ang iyong mga password at username para hindi mabasa ng Google ang mga ito.

Para simulan o ihinto ang mga notification:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Privacy at seguridad.
  3. Piliin ang Seguridad at pagkatapos Karaniwang proteksyon.
  4. I-on o i-off ang Balaan ka kung nakompromiso ang isang password sa breach sa data.
Tip: Available lang ang feature na ito kung naka-on ang opsyong "Ligtas na Pag-browse."

Mag-dismiss ng mga notification para sa mga partikular na site:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit paat pagkatapos Mga password at autofill at pagkatapos Google Password Manager.
  3. Para suriin kung alin sa iyong mga naka-save na password ang nakompromiso, piliin ang Checkup.
  4. Sa kanan ng “Mga nakompromisong password,” piliin ang Arrow .
  5. Hanapin ang site ng mga notification na gusto mong ihinto.
  6. Piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-dismiss ang babala.
Tip: Para i-restore ang mga babala sa site, sa ilalim ng "Mga na-dismiss na babala," piliin ang Higit pa sa tabi ng site kung saan gusto mong simulan ulit ang mga notification. Pagkatapos ay piliin ang I-restore ang babala.
Mag-ayos ng mga isyu sa mga password
Kung hindi nagse-save o nag-aalok na mag-save ng mga password ang Chrome, matutunan kung paano ayusin ang mga isyu gamit ang naka-save na impormasyon sa pagbabayad at mga password.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
14761309023273090577
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false