Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

I-delete ang iyong history ng pag-browse sa Chrome

Kung ayaw mong magkaroon ng tala ng mga webpage na binisita mo gamit ang Chrome, maaari mong i-delete ang lahat o ilan sa iyong history ng pag-browse. Kapag na-delete ang iyong history ng pag-browse, made-delete din ito sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in sa Chrome.

Maaalis ang iyong history sa Chrome. Bukod pa rito, maaari mo ring i-delete ang iyong history ng paghahanap sa Google sa account mo.

Tingnan ang iyong history

Ipinapakita sa iyong page ng History ang mga webpage na binisita mo sa Chrome sa nakalipas na 90 araw.

Hindi ito nagso-store ng mga page na binisita mo sa Incognito Mode, o page na na-delete mo sa iyong history ng pag-browse.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay History.
    • Upang bisitahing muli ang site, i-tap ang entry.
    • Upang magbukas ng site sa isang bagong tab, pindutin nang matagal ang entry. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay Buksan sa bagong tab.
    • Upang kopyahin ang site, pindutin nang matagal ang entry. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay Kopyahin ang Link.

I-clear ang iyong history

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay History.
  3. I-tap ang I-clear ang data mula sa pag-browse.
  4. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "History ng pag-browse."
  5. I-uncheck ang iba pang mga kahon na hindi mo gustong i-delete.
  6. I-tap ang I-clear ang data.

Upang i-delete ang iyong history ng paghahanap, matutunan ang tungkol sa pag-clear ng aktibidad na naka-save sa Aking Aktibidad.

Mag-delete ng item sa iyong history

Maaari kang mag-delete ng ilang partikular na bahagi ng iyong history. Upang maghanap ng isang partikular na bagay, gamitin ang search bar sa itaas.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay History.
  3. Hanapin ang entry na gusto mong i-delete.
  4. Sa kanan, i-tap ang Alisin Alisin.

Upang mag-delete ng maraming item, pindutin nang matagal ang isang entry. Pumili ng ibang entry na gusto mong i-delete. Pagkatapos, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Alisin Alisin.

Mag-alis ng larawan sa page ng Bagong Tab

Upang makita ang mga site na pinakamadalas mong binibisita, magbukas ng bagong tab. Upang mag-alis ng larawan, pindutin ito nang matagal. Pagkatapos, piliin ang Alisin.

Mag-browse nang pribado

Kung ayaw mo talagang i-save ng Chrome ang iyong to history ng pag-browse, maaari kang mag-browse nang pribado gamit ang Incognito mode.

Gumagamit ng Chromebook sa trabaho o paaralan? Maaaring i-off ng administrator ng iyong network ang history ng pag-browse. Kung naka-off ang history, hindi maglilista ang iyong page ng History ng mga binisita mong webpage. Alamin ang tungkol sa paggamit ng pinamamahalaang Chrome device