Tingnan o i-delete ang iyong history ng pag-browse sa Chrome

Itinatala sa iyong history ng pag-browse ang mga website na binisita mo. Magagawa mong tingnan o i-delete ang iyong history ng pag-browse, at maghanap ng mga kaugnay na paghahanap sa Chrome. Puwede mo ring ipagpatuloy ang mga session ng pag-browse sa ibang device kung naka-sign in ka at naka-sync ang iyong history sa Google Account mo.

Kapag na-delete mo ang iyong history ng pag-browse sa Chrome, made-delete din ito sa mga device mo kung saan naka-sign in ka sa Chrome at kung saan naka-sync ang iyong history sa Google Account mo.

Tip: Bukod pa rito, puwede mo ring i-delete sa account mo ang iyong history ng paghahanap sa Google.

Unawain at pamahalaan ang iyong history sa Chrome

Ano ang inililista ng iyong History

Inililista ng iyong History ang mga page na binisita mo sa Chrome sa nakalipas na 90 araw. Hindi nito sino-store ang:

  • Mga page ng Chrome tulad ng chrome://settings
  • Mga page na binisita mo habang nagba-browse ka nang pribado sa Incognito mode
  • Mga na-delete na page mula sa iyong history ng pag-browse

Tip: Kung naka-sign in ka sa Chrome at sini-sync ang history mo, ipapakita rin ng iyong History ang mga page na binisita mo sa iba mo pang device.

Hanapin ang iyong history
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos History.
    • Kung nasa ibaba ang iyong address bar, mag-swipe pataas sa address bar. I-tap ang History .
  3. Para bisitahin ang isang site, i-tap ang entry.
    • Para buksan sa isang bagong tab ang site, pindutin nang matagal ang entry. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Buksan sa bagong tab.
    • Para kopyahin ang site, pindutin nang matagal ang entry. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Kopyahin ang link.
Tip: Kung ayaw mong i-save ng Chrome ang iyong history ng pag-browse, puwede kang mag-browse nang pribado gamit ang Incognito mode.

Mag-delete ng mga item mula sa iyong history sa Chrome

I-delete ang iyong history at data mula sa pag-browse
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-delete ang data mula sa pag-browse.
  3. Sa tabi ng "Saklaw ng panahon:"
    • Para mag-delete ng bahagi ng iyong history, piliin ang mga petsa.
    • Para i-delete lahat, i-tap ang Lahat ng oras.
  4. Lagyan ng check ang box sa tabi ng "History ng pag-browse."
  5. I-uncheck ang anupamang data na ayaw mong i-delete.
  6. I-tap ang I-delete ang data.
Mag-delete ng item sa iyong history
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos History.
    • Kung nasa ibaba ang iyong address bar, mag-swipe pataas sa address bar bago mo i-tap ang History .
  3. Hanapin ang entry na gusto mong i-delete.
  4. Sa kanan, i-tap ang Alisin Remove.

Para mag-delete ng maraming item:

  1. Pindutin nang matagal ang isang entry hanggang sa makakita ka ng checkmark sa tabi nito.
  2. Pumili ng iba pang site na gusto mong i-delete.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Alisin Remove.
Mga Tip:
  • Para maghanap ng partikular na bagay, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Maghanap Hanapin.
  • Puwede kang mag-alis ng isang item sa history ng isang partikular na site habang nasa site na iyon:
    • I-tap ang Impormasyon ng page Default (Secure) at pagkatapos Huling binisita at pagkatapos Alisin Remove.

Mag-alis ng larawan ng shortcut sa page na Bagong Tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Magbukas ng bagong tab.
  3. Pindutin nang matagal ang larawang gusto mong alisin.
  4. I-tap ang Alisin.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10504430504431613265
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false