I-delete ang iyong history ng pagba-browse

Maaari mong i-delete ang lahat ng o ilan sa iyong history ng pagba-browse sa Chrome. Kung naka-sign in ka sa Chrome sa maraming computer o device, makakaapekto sa lahat ng iba pang device ang pag-delete sa iyong history ng pagba-browse.

Tingnan ang buo mong history sa web

Ipinapakita ng iyong page ng History ang mga website na iyong binisita sa Chrome sa loob ng nakaraang 90 araw. Hindi ito nag-iimbak ng mga page mula sa mga secure na website, mga binisita mo sa incognito mode o mga na-delete mo na sa iyong history ng pagba-browse.

Narito kung paano makita ang buo mong history ng pagba-browse:

Computer
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng window ng browser, i-click ang menu ng Chrome Chrome menu
  2. I-click ang History at mga kamakailang tab > History.
Mobile device
  1. Buksan ang menu ng Chrome.
  2. Pindutin ang History.

I-clear ang lahat ng iyong history

Narito kung paano i-delete ang buo mong history ng pagba-browse:

Computer
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng window ng browser, i-click ang menu ng Chrome Chrome menu
  2. I-click ang History at mga kamakailang tab > History.
  3. I-click ang button na I-clear ang data ng pagba-browse. May lalabas na dialog.
  4. Sa drop-down na menu, piliin kung gaano karaming history ang gusto mong i- delete. Upang i-clear ang buo mong history ng pagba-browse, piliin ang simula ng panahon.
  5. Lagyan ng check ang mga kahon ng mga data na gusto mong i-clear ng Chrome, kabilang ang “history ng pagba-browse." Matuto nang higit pa tungkol sa mga uri ng data ng pagba-browse na maaari mong i-delete
  6. I-click ang button na I-clear ang data ng pagba-browse.
Android device
  1. Buksan ang menu ng Chrome.
    Maaaring isa itong icon o button. Ganito More o Menu ang hitsura ng mga ito.
  2. Pindutin ang History.
  3. Sa ibaba, pindutin ang I-clear ang Data ng Pagba-browse.
  4. Lagyan ng check ang kahon na I-clear ang history ng pagba-browse. Maaaring may check na ito bilang default.
  5. Alisan ng check ang anumang iba pang mga kahon na hindi mo gustong i-delete.
  6. Pindutin ang I-clear.
iPhone o iPad
  1. Buksan ang menu ng Chrome Chrome menu.
  2. Pindutin ang History.
  3. Sa ibaba, pindutin ang I-clear ang Data ng Pagba-browse.
  4. Pindutin ang I-clear ang History ng Pagba-browse.
  5. Kumpirmahin ang iyong pinili.
  6. Pindutin ang Tapos na.

Mag-delete ng mga partikular na item sa iyong history

Maaari kang manu-manong mag-delete ng mga bahagi ng iyong history. Upang maghanap ng isang partikular na bagay, gamitin ang bar para sa paghahanap sa itaas.

Narito kung paano mag-delete ng mga partikular na bahagi ng iyong history ng pagba-browse:

Computer
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng window ng browser, i-click ang menu ng Chrome Chrome menu
  2. I-click ang History at mga kamakailang tab > History.
  3. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng bawat webpage na gusto mong alisin sa iyong History.
  4. Sa itaas ng page, i-click ang button na Alisin ang mga napiling item.
  5. May lalabas na kahon ng kumpirmasyon. I-click ang Alisin.

Mag-alis ng mga partikular na thumbnail sa page na Bagong Tab

Upang makita ang pinakamadalas mong bisitahin na mga site, magbukas ng isang page ng Bagong Tab. Upang mag-alis ng thumbnail, mag-hover dito at i-click ang X sa kanang sulok sa itaas.

Mobile device
  1. Buksan ang menu ng Chrome.
  2. Pindutin ang History.
  3. Pindutin ang X sa tabi ng partikular na entry na gusto mong ma-delete.

Mag-alis ng mga partikular na thumbnail sa page ng Bagong Tab

Upang makita ang pinakamadalas mong bisitahin na mga site, magbukas ng isang page ng Bagong Tab. Upang mag-alis ng isang thumbnail, pindutin ito nang matagal. Pagkatapos ay piliin ang Alisin.

Mag-browse nang pribado

Kung hindi mo talaga gustong i-save ng Chrome ang iyong history ng pagba-browse, maaari kang lumipat sa incognito mode.

Gumagamit ka ba ng Chromebook sa trabaho o paaralan? Maaaring i-off ng administrator ng iyong network ang history ng pagba-browse, at sa sitwasyong iyon, hindi ililista ng iyong page ng History ang mga website na kamakailan mong binisita. Matutunan ang tungkol sa paggamit ng pinamamahalaang Chrome device