Puwede mong i-delete ang iyong history ng pag-browse sa Chrome at iba pang data mula sa pag-browse, tulad ng mga naka-save na entry sa form, o puwede kang mag-delete lang ng data mula sa isang partikular na petsa.
Ano ang mangyayari sa iyong impormasyon
I-delete ang iyong data mula sa pag-browse
Mahalaga: Kung ide-delete mo sa iyong Android device ang data na naka-save sa Google Account mo, maaalis ito sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in sa iyong Google Account.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa
I-delete ang data mula sa pag-browse.
- Para i-delete ang history ng pag-browse (kabilang ang mga nakabukas na tab), pumili ng tagal at i-tap ang I-delete ang data. Labinlimang minuto ang default na tagal.
- Para pumili ng mga mas partikular na uri ng data na gusto mong i-delete, i-tap ang Higit pang opsyon. Piliin ang mga uri ng data mula sa pag-browse na gusto mong i-delete at i-tap ang I-delete ang data.
- Kung magde-delete ka ng cookies habang naka-sign in sa Chrome, hindi ka masa-sign out sa iyong Google Account.
Mga Tip:
- Para mag-sign out sa iyong Google Account sa lahat ng website, mag-sign out sa Chrome.
- Para mabilis na mapuntahan ang dialog na I-delete ang data mula sa pag-browse, sa address bar, i-type ang “I-delete ang data mula sa pag-browse” at pagkatapos ay i-tap ang Action chip. Alamin ang Mga Aksyon sa Chrome para mabilis na matapos ang mga gawain.