Tanggalin ang iyong kasaysayan ng pagba-browse

Maaari mong tanggalin ang ilan o ang lahat ng iyong kasaysayan ng pagba-browse sa Google Chrome. Kung naka-sign in ka sa Chrome sa maraming computer o device, makakaapekto sa lahat ng iba pang device ang pagtanggal sa iyong kasaysayan ng pagba-browse.

I-clear ang iyong buong kasaysayan ng pagba-browse

  1. I-click ang Menu ng Chrome Chrome menu sa browser toolbar.
  2. Piliin ang Mga Tool.
  3. Piliin ang I-clear ang data mula sa pagba-browse.
  4. Sa dialog na lilitaw, piliin ang checkbox na "I-clear ang kasaysayan ng pagba-browse."
  5. Gamitin ang menu sa tuktok upang pumili ng halaga ng data na gusto mong tanggalin. Piliin ang simula ng panahon upang tanggalin ang iyong buong kasaysayan sa pag-browse.
  6. I-click ang I-clear ang data mula sa pagba-browse.

Tinatanggal ang mga sumusunod na impormasyon kapag nililinis mo ang iyong kasaysayan ng pagba-browse:

  • Mga web address na iyong binisita, nakalista sa pahina ng Kasaysayan
  • Naka-cache na teksto ng mga pahinang iyong binisita
  • Mga snapshot ng mga pahinang pinakamadalas mong bisitahin sa pahina ng Bagong Tab
  • Anumang mga IP address na paunang kinuha mula sa mga pahinang iyong binisita

Mag-clear ng mga partikular na item sa iyong kasaysayan ng pagba-browse

  1. I-click ang Menu ng Chrome Chrome menu sa browser toolbar.
  2. Piliin ang History.
  3. Itapat ang mouse sa mga item na gusto mong alisin.
  4. Piliin ang mga checkbox para sa mga item.
  5. I-click ang button na Alisin ang mga napiling item sa tuktok ng pahina.
  6. I-click ang OK kapag lumabas ang window ng pagkumpirma.

I-clear ang iyong kasaysayan ng pagba-browse mula sa address bar

Upang pigilan ang mga pagtutugma sa iyong kasaysayan ng pagba-browse na lumitaw sa address bar, sundin ang mga hakbang sa itaas upang i-clear ang iyong buong kasaysayan ng pagba-browse. Maaari mo ring i-off ang serbisyo ng panghuhula para sa address bar kung hindi mo nais na tumulong ang Google Chrome na kumpletuhin ang mga termino para sa paghahanap at web address na tina-type mo sa address bar.

I-clear ang iyong kasaysayan ng pagba-browse mula sa pahina ng Bagong Tab

Ang pahina ng Bagong Tab ay nagpapakita ng listahan ng mga site na pinakamadalas mong bisitahin. Upang alisin ang isang partikular na thumbnail, mag-hover sa isang larawan gamit ang iyong mouse. Pagkatapos ay i-click ang x na lalabas sa kanang sulok sa itaas ng frame. 

Hindi na lalabas muli sa pahina ang mga thumbnail na iyong aalisin. Upang i-reset ang pahina nang sa gayon ay magpakita ito ng mga blangkong thumbnail, i-clear ang iyong buong kasaysayan ng pagba-browse.