Buksan ang Incognito mode
Mahalaga: Kapag gumamit ka ng Incognito window, mas pribado kang makakapag-browse. Puwede kang magpalipat-lipat sa mga tab na Incognito at karaniwang tab ng Chrome.
-
Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Bagong Incognito window.
- May bubukas na bagong window.
- Sa kanan ng address bar, makikita mo ang icon ng Incognito
.
Para magbukas ng Incognito window, puwede kang gumamit ng keyboard shortcut:
- Windows, Linux, o Chrome OS: Pindutin ang Ctrl + Shift + n.
- Mac: Pindutin ang ⌘ + Shift + n.
Bina-block ang third-party na cookies sa Incognito bilang default. Puwede mo itong baguhin sa anumang oras mula sa toggle sa page ng bagong tab ng Incognito o mga setting ng Chrome. Matuto pa tungkol sa cookies.
Isara ang Incognito mode
Kung nagba-browse ka sa isang Incognito window at nagbukas ka ng panibago, magpapatuloy sa bagong window ang iyong session ng pribadong pag-browse. Para lumabas sa Incognito mode, isara ang lahat ng Incognito window.
Kung may nakikita kang numero, sa kanang bahagi sa itaas, sa tabi ng icon ng Incognito, marami kang nakabukas na Incognito window. Para magsara ng Incognito window:
- Sa iyong computer, buksan ang Incognito window.
- Isara ang window:
- Windows o Chromebook: Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Isara
.
- Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang Isara
.
- Windows o Chromebook: Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Isara