- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Bagong tab na Incognito.
- May lalabas na bagong window. Sa kaliwang bahagi sa itaas, tingnan kung may icon ng Incognito .
Kung nakikita mo ang mensaheng "Hindi pinapayagan ng app o ng iyong organisasyon ang pagkuha ng mga screenshot," buksan ang webpage sa isang karaniwang tab ng Chrome.
Puwede kang magpalipat-lipat sa mga tab na Incognito at karaniwang tab ng Chrome. Nagba-browse ka lang nang pribado kapag may gumamit ka ng tab na Incognito.
Puwede mo ring piliing mag-block ng third-party na cookies kapag nagbukas ka ng bagong Incognito window. Matuto pa tungkol sa cookies.
I-lock ang mga tab na Incognito kapag lumabas ka sa Chrome
Maa-access ng sinumang gumagamit ng iyong device ang mga tab na Incognito na iiwan mong nakabukas. Para panatilihing nakabukas ang iyong mga tab na Incognito at hindi nakikita ng iba pang user ng device, puwede mong i-lock ang mga ito.
Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Chrome .
- I-tap ang Higit pa Mga Setting .
- I-tap ang Privacy at seguridad.
- I-on ang I-lock ang mga tab na Incognito kapag umalis ka sa Chrome.
Isara ang Incognito mode
Kung may nakabukas kang tab na Incognito at nagbukas ka pa ng isa, magpapatuloy sa bagong tab ang iyong session ng pribadong pag-browse. Para lumabas sa Incognito mode, isara ang lahat ng tab na Incognito.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab . Sa kanan, makikita mo ang iyong mga nakabukas na tab na Incognito.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong mga tab na Incognito, i-tap ang Isara .