Mag-browse sa Incognito mode

Puwede kang mag-browse sa web nang mas pribado sa Incognito mode.
 
  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Bagong Tab na Incognito . May bubukas na bagong tab na Incognito.
Mga Tip:
  • Para tingnan kung pribado kang nagba-browse, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  • Mag-swipe pakanan para tingnan kung mayroon kang anumang nakabukas na tab na Incognito. May icon ng Incognito sa itaas ng tab na Incognito.
  • Pribado lang ang iyong aktibidad sa pag-browse kapag nasa tab na Incognito ka.

Puwede kang magpalipat-lipat sa mga tab na Incognito at regular na tab ng Chrome:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
    • Sa iyong iPhone, makikita mo ang:
      • Magpalipat-lipat sa mga tab Lumipat ng tab sa ibaba.
      • Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting sa kanang bahagi sa ibaba.
    • Sa iyong iPad, makikita mo ang:
      • Magpalipat-lipat sa mga tab Lumipat ng tab sa itaas.
      • Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting sa kanang bahagi sa itaas.
  3. Mag-swipe pakanan o pakaliwa para magpalipat-lipat sa mga tab na Incognito at regular na tab ng Chrome.

Magbukas ng mga link sa Incognito mode

Kapag nagbukas ka ng link mula sa ibang app o text message, puwede mong piliing buksan ang link sa tab na Incognito sa Chrome. Para baguhin ang setting na ito:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Privacy at Seguridad.
  3. I-on o i-off ang Hilinging Magbukas ng Mga Link mula sa Iba pang App sa Incognito.
Magbukas ng link sa Incognito mode
  1. Sa iyong iPhone o iPad, mag-tap ng link na gusto mong buksan sa Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Buksan sa Incognito sa Chrome.

I-lock ang mga tab na Incognito kapag nagpalipat-lipat ka sa mga app

Maa-access ng sinumang gumagamit ng iyong device ang mga tab na Incognito na iiwan mong nakabukas. Para iwang nakabukas ang mga tab na Incognito at panatilihing pribado ang mga ito, puwede mong i-lock ang iyong mga tab na Incognito.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at Seguridad.
  4. I-on ang I-lock ang Mga Tab na Incognito Kapag Isinara Mo ang Chrome.

Isara ang Incognito mode

Kung may nakabukas kang tab na Incognito at nagbukas ka pa ng isa, magpapatuloy sa bagong tab ang iyong session ng pribadong pag-browse. Para lumabas, isara ang lahat ng tab na Incognito.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Mag-swipe pakanan para makita ang iyong mga nakabukas na tab na Incognito.
  4. Piliin ang tab na gusto mong isara. Sa kanang bahagi sa itaas ng tab, i-tap ang Isara Close.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15504075679759874751
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false