Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Mag-browse nang pribado gamit ang mode na incognito

Kung ayaw mong mag-save ang Google Chrome ng tala ng binibisita at dina-download mo, maaari kang mag-browse sa web sa mode na incognito.

Paano mag-incognito

Maaari kang magbukas ng incognito window sa iyong computer at mga mobile device upang hindi i-save ng Chrome ang history ng iyong pagba-browse. Magagawa mong magpalipat-lipat sa nakabukas mong incognito window at anumang mga karaniwang window. Magagamit mo lang ang mode na incognito kapag ginagamit mo ang incognito window.

Computer

  1. Buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa.
  3. Piliin ang Bagong Incognito Window.
  4. May bubukas na bagong window na may kulay gray na icon ng incognito Incognito mode.

Tip: Maaari ka ring gumamit ng keyboard shortcut upang magbukas ng incognito window. Pindutin ang Ctrl + Shift + N (Windows, Linux, at Chrome OS) o ⌘ + Shift + N (Mac).

Upang isara ang incognito mode, isara ang lahat ng iyong incognito window:

  1. Pumunta sa iyong incognito window.
  2. Sa itaas, i-tap ang Isara Isara.​
Android device
  1. Buksan ang Chrome app Chrome app.
  2. I-tap ang Higit Pa Higit pa.
  3. I-tap ang Bagong tab na incognito.
  4. May bubukas na bagong window na may kulay gray na icon ng incognito Incognito mode.

Upang isara ang incognito mode, isara ang lahat ng iyong incognito window:

  1. Buksan ang Chrome app Chrome app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong mga incognito tab, i-tap ang Isara Isara.
iPhone o iPad
  1. Buksan ang Chrome app Chrome app.
  2. I-tap ang Higit Pa Higit pa.
  3. Piliin ang Bagong Tab na Incognito.
  4. May bubukas na bagong window na may kulay gray na icon ng incognito Incognito mode.

Upang isara ang incognito mode, isara ang lahat ng iyong incognito window:

  1. Buksan ang Chrome app Chrome app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong mga incognito tab, i-tap ang Isara Isara.

Paano gumagana ang mode na incognito

Ang iyong tinitingnan

Ang incognito ay isang mode na nagbubukas ng bagong window kung saan makakapag-browse ka sa Internet nang pribado, nang hindi sine-save ng Chrome ang mga binibisita mong site. Magagawa mong magpalipat-lipat sa nakabukas mong incognito window at anumang mga karaniwang window ng pagba-browse sa Chrome. Magagamit mo lang ang mode na incognito kapag ginagamit mo ang incognito window.

Mag-ingat. Tanging ang pagse-save ng Chrome sa iyong aktibidad sa pagbisita sa isang site lang ang pinipigilan ng mode na incognito. Hindi nito mapipigilan ang iba pang mga pinagmulang makita ang iyong aktibidad sa pagba-browse, kasama ang:

  • Iyong internet service provider
  • Iyong employer (kung gumagamit ka ng computer sa trabaho)
  • Mga mismong website na iyong binibisita

Ang iyong mga na-download

Hindi magse-save ang Chrome ng tala ng mga file na na-download mo sa mode na incognito. Gayunpaman, mase-save ang mga na-download na file sa folder ng Downloads ng iyong computer, kung saan makikita at mabubuksan mo ito pati na rin ng iba pang gumagamit ng iyong computer, kahit na isinara mo na ang iyong mga tab na incognito.

Upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa iniimbak sa mode na incognito, bisitahin ang Patakaran sa Privacy ng Chrome.

Lumabas sa mode na incognito at i-off ito

Ang mode na incognito ay tumatakbo sa isang window na hiwalay sa iyong mga karaniwang session ng pagba-browse sa Chrome. Upang lumabas sa mode na incognito, kakailanganin mong isara ang lahat ng incognito window. Piliin ang iyong device sa ibaba upang malaman kung paano. 

Computer

Upang isara ang incognito mode, isara ang lahat ng iyong incognito window:

  1. Pumunta sa iyong incognito window.
  2. Sa itaas, i-tap ang Isara Isara.
Android phone o tablet

Upang isara ang incognito mode, isara ang lahat ng iyong incognito window:

  1. Buksan ang Chrome app Chrome app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong mga incognito tab, i-tap ang Isara Isara.
iPhone at iPad

Mga kaugnay na artikulo