Mag-browse nang pribado

Kung ayaw mong matandaan ng Google Chrome ang iyong aktibidad, maaari kang mag-browse sa web nang pribado sa Incognito mode. 

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Bagong Incognito Window.
  3. May lalabas na bagong window. Sa sulok sa itaas, tingnan kung may icon ng Incognito Incognito.

Maaari ka ring gumamit ng keyboard shortcut upang magbukas ng Incognito window:

  • Windows, Linux, o Chrome OS: Pindutin ang Ctrl + Shift + n.
  • Mac: Pindutin ang ⌘ + Shift + n.

Maaari kang magpalipat-lipat sa mga Incognito window at mga regular na window ng Chrome. Magiging pribado lang ang iyong pag-browse kapag gumagamit ka ng Incognito window.

Ihinto ang pribadong pag-browse

Ang Incognito mode ay tumatakbo sa isang window na hiwalay sa iyong mga karaniwang window ng Chrome.

Kung mayroon kang nakabukas na incognito window at nagbukas ka pa ng isa, magpapatuloy ang iyong session ng pribadong pag-browse sa bagong window. Para lumabas sa Incognito mode, isara ang lahat ng Incognito window.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Incognito window mo.
  2. Isara ang window:
    • Windows o Chrome OS: Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Isara Close.
    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Isara Close.

Ano ang mangyayari kapag nag-browse ka nang pribado

  • Hindi ise-save ng Chrome ang iyong history ng pag-browse, cookies at data ng site, o ang impormasyong inilalagay sa mga form.
  • Mase-save ang iyong mga file na ida-download at mga bookmark na gagawin mo.
  • Hindi nakatago ang iyong aktibidad sa mga website na binibisita mo, sa iyong employer o paaralan, o sa internet service provider mo.

Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang pribadong pag-browse.

Mga kaugnay na artikulo