Puwede mong gamitin ang address bar (omnibox) para maghanap sa web. Sa ilang bansa, Google Search ang default na search engine ng Chrome. Sa iba pa, posibleng papiliin ka ng iyong default na search engine. Mababago mo ang iyong default na search engine anumang oras.
Kung may mapapansin kang mga hindi inaasahang pagbabago sa iyong search engine, posibleng mayroon kang malware. Alamin kung paano mag-alis ng malware.
Itakda ang iyong default na search engine
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Piliin ang Search engine.
- Sa tabi ng "Search engine na ginagamit sa address bar," piliin ang Pababang arrow
.
- Pumili ng bagong default na search engine.
Mga Tip:
- Posibleng hindi maging available ang feature ng Chrome kung hindi ito sinusuportahan ng iyong search engine.
- Kung sinubukan mo nang itakda ang iyong search engine pero walang nangyari, posibleng mayroon kang malware. Alamin kung paano i-restore ang iyong mga setting ng Chrome.
- Kung gumagamit ka ng Chrome sa trabaho o paaralan, puwedeng pumili ang iyong admin ng network ng default na search engine o puwede niyang pamahalaan ang mga search engine mo para sa iyo. Matuto pa tungkol sa pinapamahalaang organisasyon ng Chrome o tingnan kung pinapamahalaan ang iyong Chromebook.
Pamahalaan ang mga search engine at shortcut sa paghahanap sa site
Puwede kang magdagdag, mag-edit, o mag-alis ng mga shortcut sa paghahanap sa site at magtakda ng default na search engine. Sa ilang bansa, hindi maitatakda ang mga custom na paghahanap sa site bilang default para sa mga profile ng Bisita.- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Search engine
Pamahalaan ang mga search engine at paghahanap sa site.
- Para baguhin ang mga shortcut sa paghahanap sa site:
- Magdagdag: Sa kanan ng "Paghahanap sa site," piliin ang Magdagdag. Pagkatapos mong punan ang mga field ng text, piliin ang Idagdag.
- Mag-edit: Sa kanan ng shortcut sa paghahanap sa site, piliin ang I-edit
.
- Magtakda bilang default: Sa kanan ng shortcut sa paghahanap sa site, piliin ang Higit pa
Gawing default.
- Mag-deactivate: Sa kanan ng shortcut sa paghahanap sa site, piliin ang Higit pa
I-deactivate.
- Mag-delete: Sa kanan ng shortcut sa paghahanap sa site, piliin ang Higit pa
I-delete.
Mga Tip:
- Puwede kang mag-set up ng mga shortcut para maghanap ng mga partikular na site.
- Puwede mong i-edit o i-off ang mga shortcut para sa mga nakabukas na tab, bookmark, at history ng pag-browse sa mga paghahanap sa site. Pero hindi puwedeng i-delete ang mga ito.
- Hindi mo puwedeng i-edit, i-delete, o itakda ang Gemini bilang iyong default search engine. Alamin kung paano gamitin ang Gemini web app para makakuha ng mga sagot sa Chrome.
- Kapag nag-deactivate ka ng shortcut sa paghahanap sa site, malilipat ito sa seksyong "Mga hindi aktibong shortcut."
- Makakakita ka rin ng iba pang iminumungkahing site na nakalista sa seksyong "Mga hindi aktibong shortcut." Para idagdag ang mga ito sa iyong mga shortcut sa paghahanap sa site, piliin ang I-activate.
- Para sa ilang site sa paghahanap, lalabas lang ang site sa seksyong "Mga hindi aktibong shortcut" pagkatapos mong maghanap sa site na iyon.
Punan ang mga field ng text
Maglagay ng label o pangalan para sa search engine.
Ilagay ang shortcut ng text na gusto mong gamitin para sa search engine. Maaari mong ilagay ang keyword sa iyong address bar upang mabilisang gamitin ang search engine.
Ilagay ang address sa web para sa page ng mga resulta ng search engine, at gamitin ang %s
kung saan inilalagay ang query.
Para maghanap at mag-edit ng address sa web ng page ng mga resulta:
- Pumunta sa search engine na gusto mong idagdag.
- Maghanap.
- Kopyahin at i-paste sa field ng URL ang address sa web ng page ng resulta ng paghahanap. Iba ang address para sa page ng resulta ng paghahanap sa address sa web.
- Halimbawa, kung hahanapin mo ang "soccer," ang URL ng mga resulta ng paghahanap sa Google ay
http://www.google.com/search?q=soccer
.
- Halimbawa, kung hahanapin mo ang "soccer," ang URL ng mga resulta ng paghahanap sa Google ay
- Palitan ng
%s
ang termino para sa paghahanap sa URL.- Halimbawa, kung ginagamit mo ang URL ng mga resulta ng paghahanap sa Google, magiging
http://www.google.com/search?q=%s
ang address ng iyong search engine.
- Halimbawa, kung ginagamit mo ang URL ng mga resulta ng paghahanap sa Google, magiging