Isaayos ang mga font, wika at pag-encode

Hinahayaan ka ng mga setting ng font at wika ng Google Chrome na basahin ang web at gamitin ang browser sa sarili mong wika. Sundin ang mga hakbang na ito upang baguhin ang mga setting na ito:

  1. I-click ang menu ng Chrome Chrome menu sa toolbar ng browser.
  2. Piliin ang Mga Setting.
  3. I-click ang Ipakita ang mga advanced na setting at pumunta sa seksyong "Mga Wika." Narito ang iba't ibang setting na maaari mong isaayos:

    Wika ng interface ng browser

    Windows

    Ang wika ng interface ng browser ay ginagamit sa mga menu ng browser at dialog at nakabatay ito sa wikang pinili mo noong na-download mo ang Google Chrome sa unang pagkakataon.

    Sa Windows, sundin ang mga hakbang na ito upang baguhin ang setting na ito:

    1. I-click ang Mga setting ng wika at input upang buksan ang dialog ng "Mga Wika."
    2. Piliin ang wikang gusto mong gamitin mula sa listahan. Kung hindi nakalista ang wika, idagdag muna ito bilang isa sa iyong mga gustong wika ng webpage sa pamamagitan ng pag-click sa Magdagdag.
    3. Sa kanang panel, i-click ang Ipakita ang Google Chrome sa wikang ito.
    4. I-restart ang browser upang ilapat ang mga pagbabago.

    Kasalukuyang tinutukoy ng Mac ang wika ng interface ng browser ayon sa setting ng Language & Text sa System Preferences. Upang matutunan kung paano i-update ang wika ng iyong system, bisitahin ang Suporta ng Apple Computer.

    Para sa Linux, tingnan ang suporta sa wika ng iyong system.

    Mga kagustuhan sa wika ng webpage

    Nakakatulong sa Google Chrome ang mga kagustuhan sa wika ng webpage sa pagtukoy ng wikang dapat nitong gamitin upang ipakita ang isang webpage. Upang isaayos ang iyong mga kagustuhan, i-click muna ang Mga setting ng mga wika at input (Mac at Linux: Mga setting ng wika) upang buksan ang dialog ng "Mga Wika." Magdagdag o mag-alis ng mga wika sa listahan, at i-drag upang pagsunud-sunurin ang mga ito batay sa iyong kagustuhan.

    Kung gumagamit ka ng Windows, maaaring kailanganin mong i-configure ang iyong mga setting ng wika sa Windows upang magdagdag ng East Asian na mga wika o mga wikang gumagamit ng kumplikadong mga script.

    Idagdag lang ang mga wikang iyong kailangan, dahil maaaring gumamit ang mga nakahahamak na website ng mga character na may katulad na anyo mula sa iba-ibang wika upang iligaw ka tungkol sa web address na iyong binibisita.

    Mga default na font at pag-encode

    Sa seksyong "Nilalaman ng Web," i-click ang I-customize ang mga font upang tukuyin ang iyong standard at mga fix-width na font, pinakamaliit na laki ng font, at pag-e-encode. Kung hindi tumutugma ang iyong default na pag-encode sa pag-encode na kailangan ng isang website, maaaring hindi lumabas nang maayos ang teksto. Anumang oras ay maaari mong isaayos ang laki ng font nang manu-mano o pansamantalang i-override ang pag-encode para sa pahinang tinitingnan mo.